Ng mangag-aaral sa ating panahon;
Pagtatapos itong magandang salubong
Sa mga magulang na laging katulong!
Kapag dumarating itong pagtatapos
Ng mga eskuwela maligayang lubos
Ang mga magulang na siyang nagpagod
Upang maibigay ang kanilang support!
Ang ama at inang walang kapaguran
Sa pagtatrabaho araw at gabi man
Ang tuwa sa puso ay walang pagsidlan
Dahil nakatapos ang anak na hirang!
May amat ina pang kapwa umaakyat
Sa stage sapagkat ang kanilang anak
Ay may karangalat sila ang tatanggap
Kaya puso nilay sukdulan ang galak!
Kaya sa lahat ng ngayoy magtatapos
Taos na pagbati ipinaaabot
Ng pitak na ito sa mga nagpagod
Na mga magulang na anak ng Diyos!
Ang pagbating ito ay may panalangin:
Sa mga ga-graduate sana ay sapitin
Yaong hinahangad na professionalism
Magandang trabahot sapat ang kitain!
Sa mga magulang at sa mga anak:
Inyong pagtatapos ay sikaping payak;
Maluhong graduation ay iwasan agad
Upang may puhunan sa inyong paglayag!
Kung naglalayag na sa dagat ng buhay
Sa tumpak na landas kayo ay lumagay;
Sikaping ihasik tungo sa tagumpay
Mga natutuhang magagandang bagay!