^

PSN Opinyon

Graduation 2006

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Sasapit na naman masayang graduation

Ng mangag-aaral sa ating panahon;

Pagtatapos itong magandang salubong

Sa mga magulang na laging katulong!

Kapag dumarating itong pagtatapos

Ng mga eskuwela maligayang lubos

Ang mga magulang na siyang nagpagod

Upang maibigay ang kanilang support!

Ang ama at inang walang kapaguran

Sa pagtatrabaho — araw at gabi man

Ang tuwa sa puso ay walang pagsidlan

Dahil nakatapos ang anak na hirang!

May ama’t ina pang kapwa umaakyat

Sa stage sapagka’t ang kanilang anak —

Ay may karangala’t sila ang tatanggap

Kaya puso nila’y sukdulan ang galak!

Kaya sa lahat ng ngayo’y magtatapos

Taos na pagbati — ipinaaabot

Ng pitak na ito sa mga nagpagod

Na mga magulang na anak ng Diyos!

Ang pagbating ito ay may panalangin:

Sa mga ga-graduate sana ay sapitin

Yaong hinahangad na professionalism

Magandang trabaho’t sapat ang kitain!

Sa mga magulang at sa mga anak:

Inyong pagtatapos ay sikaping payak;

Maluhong graduation ay iwasan agad

Upang may puhunan sa inyong paglayag!

Kung naglalayag na sa dagat ng buhay

Sa tumpak na landas kayo ay lumagay;

Sikaping ihasik tungo sa tagumpay —

Mga natutuhang magagandang bagay!

DAHIL

DIYOS

INYONG

KAPAG

KAYA

MAGANDANG

MALUHONG

PAGTATAPOS

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with