^

PSN Opinyon

Nagising na ang mga awtoridad sa talamak na pagkalat ng illegal drugs.

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KAGULAT-GULAT ang ipinakikitang agresibo ng pulisya ngayon laban sa illegal drugs partikular ang shabu. Hindi ako makapaniwala.

Sinalakay nila ang mga tinatawag na "shabu tiangge", "shabu mall" at "shabu pharmacy". Natuklasan din na available for rent ang mga kagamitan sa pagbatak ng shabu.

Nagising na sa palagay ko ang mga awtoridad upang totohanin na ang matagal na dapat nilang atupagin. Lubhang mapanganib ang shabu sa mga kabataan. Ang shabu ang sisira sa kanilang kinabukasan.

Matagal nang panahon na may pakay kuno ang gobyerno na wasakin ang drug syndicate sa bansa subalit, imbes na matigil, lalong lumawak ang pagkalat ng shabu. Ito ay sa dahilang may nagpoproteksiyong opisyal ng gobyerno at mga pulis.

Sana ay magtagal ang kampanyang ito sa illegal drugs. Mukha namang totohanan na talaga at ipinakita rin ni President Arroyo na suportado niya ang aksyon ng mga anti-illegal drugs agency. Maubos na sana ang mga drug traffickers!

LUBHANG

MATAGAL

MAUBOS

MUKHA

NAGISING

NATUKLASAN

PRESIDENT ARROYO

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with