Sino si Forward Ko?
March 25, 2006 | 12:00am
ANG 168 Mall ay bantog sa mura nitong mga paninda. Mga appliances, home decor items, damit, sapatos at kung anu-ano pa. Kaya pala mura, puro smuggled items ang binebenta!
Ni-raid at ipinasara kamakailan ng mga operatiba ng pamahalaan ang 168 dahil hindi raw nagbabayad ng buwis at maraming mga nagtitinda na illegal aliens. Matagal na ang operasyon ng mall na iyan. Bakit ngayon lang nilusob matapos magpasasa ng malaking kita ang mga spurious traders diyan? Bakit po BoC Commissioner Napoleon Morales?
Isa pa, huwag lang smuggled kundi fake goods ang dapat yariin. Mayroon daw "untouchable" na Chinese na namemeke ng DVD, pati na ng pekeng delatang "Maling". May "great konek" daw sa Malacañang sa pamamagitan ng isang "Caloy" na ang asaway nagtatrabaho sa Palasyo. Ilang ulit nang ni-raid ang pabrika nitong alias "Forward KO" sa Cavite na gumagawa ng 5,000 kahon ng pekeng Maling araw-araw pero laging nakalulusot. Pati NBI at pulis ay takot daw. Isang judge diumano ang ipinabalik kay Ko ang P280 million fake DVD dahil sa konek niya.
Baka hindi alam ng Pangulo na nakakasama niya raw sa mga official trip ang naturang Intsik na gamit ang tunay na pangalang "Lao Kok Yeng." Tiyak, kukulo ang dugo ng Pangulo kapag nalaman na ang bubuntot- buntot pala sa kanya ay isang spurious character. Sana malaman ito ni Mrs. President para masampolan ang hinayupak na ito na nakasisira sa kanyang pangalan. Sampolan tulad ng ginawa sa 168. Very proud daw si Customs chief sa raid ng 168. Pero kung noon pay ginawa na niya ang trabaho bilang hepe ng aduana, sanay hindi na nakapagbenta ng mga smuggled goods sa naturang mall.
Tapos, ang sinisisi ni Morales ay mga pulis, local officials, pati na BIR gayung teritoryo ng kanyang opisina ang pagtugis sa mga smugglers. Sabi nga ng barbero kong si Mang Gustin, kung may delikadesa si Morales ay dapat siyang mag-resign.
Ang siste kasiy puro press release at photo ops na lumalabas sa mga pahayagan at telebisyon na astang bida si Morales.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended