Sinabi ni Dr. Kim Key, senior epidemiologist at expert on diet and cancer, napaka-epektibo ng lycopene para labanan ang kanser. Ang lycopene ang nagbibigay ng pulang kulay sa kamatis. Batay sa pananaliksik ni Dr. Key, iniuugnay na rin ang lycopene na lumalaban sa kanser sa suso, prostate, pancreas at colorectal. Napakabisa ng lycopene sa mga tomato products gaya ng ketchup at pizza toppings. Napag-alaman din buhat sa mga medical researchers sa University of North Carolina na ang pagkaing may taglay na lycopene ay nagpapababa sa bilang ng mga nagkakaroon ng atake sa puso.
Pero alam nyo ba na ang balat ng narra ay gamot? Pinakukuluan ito at ginagawang tsaa na mabisa ring food supplement na panlaban sa viral infection lalo na sa mga may problem sa pag-ihi. Ang ugat at dahon ng narra ay inilalaga at malaking tulong ito sa mga babaing nahihirapan sa pagreregla.
Ang kulay dilaw na bulaklak ng narra ay pinakukuluan din at iniinom ng mga nakadarama ng pa-mimigat ng dibdib. Epektibo itong pantanggal ng mga toxins na bumabara sa ugat at gamot din sa mga may asthma.