Senado umaksyon 3 sequestered firms na ginawang gatasan
March 23, 2006 | 12:00am
VERY timely ang resolusyong iniharap ni Sen. Miriam Santiago para busisiin ng Senado ang iregularidad sa operasyon ng 3 sequestered firms na may saping puhunan ang pamahalaan. Ang mga ito ay ang Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC), ang wholly owned subsidiary nitong Philippine Communications Satellite Corp. (POTC) at Philcomsat Holdings Corp. (PHC) na 81-porsyentong pag-aari ng Philcomsat. Dapat lamang resolbahin ang problemang ito para pangalagaan ang interes ng taumbayan porke may stake dito ang pamahalaan. Pera ng bayan, dapat lang pangalagaan.
Tinuligsa ng ilang Senador ang PCGG na dapat sanay protektor ng pamahalaan sa naturang sequestered companies sapul pa nung 1986 pero obviously walang ginawa. May 35 porsyentong sapi ang pamahalaan sa POTC at Philcomsat at 28 porsyento naman sa PHC. Sang-ayon ako sa puna nina Sen. Joker Arroyo at Juan Ponce Enrile, Binayaan ng PCGG na ang mga kompanyay maging "gatasan" ng maraming opisyales ng PHC na nagpapasasa sa assets nito. Dapat punahin ang pagsasamantala sa posisyon ng board of directors ng PHC sa pangunguna ni Manuel Nieto, presidente at Enrique Locsin, chairman.
Pinuna ni Sen. Santiago ang malaking pagkalugi ng kompanya. Itoy dahil sa dambuhalang operating expense na umaabot sa P90 milyon. Dapat nga namang busisiin ang maanomalyang gastusing ito. Nung 2002 hanggang 2003, ang operating expenses ng PHC ay P35.5 milyon at P36.9 million respectively. Pagdating ng 2004, tumaas pa ang gastos na umabot sa P90.6 milyon.
Katumbas ito ng 155 porsyentong pagtaas sa operating expenses.
Maanomalya rin ang pagtatayo ng PHC ng Telecommunications Center Inc. (TCI) na isang call center business, yun palay ginamit para sipsipin ang pondo ng PHC. Sa loob lamang ng 18 buwan, umaabot daw sa P73 million ang naisaling pondo mula sa PHC tungo sa TCI na walang pag-uulat na ibinigay sa PHC at sa parent company nito na Philcomsat. Si Victor Africa mismo, pangulo ng POTC at Philcomsat ang nagsabing walang tinanggap na report tungkol dito ang kanyang pinamumunuang kompanya. Kaya ayon kay Africa, very much welcome at napapanahon ang pagsisiyasat ng Senado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended