EDITORYAL - Walang malikhang trabaho kaya mag-STL na lang tayo
March 22, 2006 | 12:00am
SA halip na desenteng trabaho ang likhain ng Arroyo administration, trabahong may kaugnayan sa sugal ang inilunsad. Small-town lottery (STL) ang inihanda para magkaroon ng trabaho ang nakararaming Pinoy na una nang pinangakuan ng Arroyo administration noong 2001 pa.
Ang STL ay unang ipinakilala noong 1986 sa panahon ni President Aquino pero "patayin" ang jueteng hindi kinagat ng publiko. Hindi kayang tapatan ang popularidad ng jueteng. Mula 1986 hanggang 2004, namayagpag nang labis ang jueteng. Tumiba nang husto ang mga jueteng lords. Limpak na salapi ang kinita at marami na ang naging addict sa sugal na nabanggit.
Ang itinuturing na pinakamalaking sinira ng jueteng sa bansa ay si dating President Joseph Estrada. Napatalsik siya sa puwesto makaraang ituro ni dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na "lord ng mga jueteng lords". Pero kahit napatalsik na dahil sa jueteng si Estrada, patuloy pa rin ang jueteng at lumala pa sa panahon ni Mrs. Arroyo. Itinuro pa si First Gentleman Mike Arroyo at anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo na tumatanggap ng jueteng money at dinideliber pa sa Kongreso. Ang imbestigasyon ay nawalang parang bula.
Ngayon ay buhay na ang STL at gagamitin para patayin ang jueteng. Sabi ni Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mamamahala sa STL. Malaki raw ang pagkakaiba ng STL sa jueteng. Ang pera ng STL ay sa gobyerno mapupunta samantalang sa jueteng ay sa bulsa ng mga jueteng lords napupunta.
Nakapagtataka rin naman na ang isa sa magiging tauhan sa STL ay ang dating jueteng prove witness na si Michaelangelo Zuce. Lumantad si Zuce noong 2005 at sinabing may nalalaman siya tungkol sa pandaraya ni Mrs. Arroyo sa eleksiyon noong 2004. Ngayoy bahagi na ng STL si Zuce.
Sugal at sugal pa rin ang kinahantungan ng lahat. Trabahong idudulot ng STL pala ang ibibigay sa mga kawawa. Papatayin daw ng STL ang jueteng pero gaano kasigurado si Hagerdorn.
Ang isang tiyak malululong sa sugal ang ma- rami at tiyak din na uusbong ang mga krimen. Marami ang patuloy na iaasa ang kanilang bukas sa pagtaya. Kahit na ang pambili ng isang kilong bigas at kalahating kilong "GG" ay aagawin pa at itataya sa sugal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended