Balitang bitin
March 20, 2006 | 12:00am
WALANG karapatan ang gobyerno magdikta sa media kung paano mag-cover ng balita. Ang kalayaan sa pamamahayag tulad ng kalayaan sa pagsalita, pagsamba, at pagtuligsa ay hindi maaring yurakan ng estado.
Pero may karapatan ang mga nasa gobyerno na umangal sa estilo ng pag-cover na balita. Halimbawa, sa kasong rebelyon laban kina party list Reps. Crispin Beltran, Satur Ocampo, Lisa Maza, Joel Virador, Ted Casiño, at Rafael Mariano.
May kahinaan ang pagbalita tungkol sa sakdal. Hindi naipapahayag kung ano ang laman ng kaso. Ito pala, ayon kay Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco, ay batay sa mga dokumento at testimonya. Nakipag-sabwatan umano ang anim na maka-Kaliwang kongresista sa mga maka-Kanang militarista para pabagsakin ang gobyerno at bumuo ng "transition council" sa labas ng Konstitusyon.
Kabilang sa mga dokumento ay ang "Mahahalagang Punto ng mga Kaisahan at Unawaan sa Pagitan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Katipunan ng mga Anak ng Bayan", at "Minutes Re Final Talk, Feb. 20, 2006." Laman ito ng flash drive na nakuha kay Magdalo mutineer Lt. Lawrence San Juan nang muling mahuli sa Batangas nung Feb. 21. Ang "Kaisahan" ay pagtutulungan ng mga komunista at KAB (mga militarista) na patalsikin si Pres. Gloria Arroyo. Ang "Final Talk" ay detalye ng pagpapatalsik, kundi nung Feb. 24 ay sa Mar. 31 o May 1.
Ang mga testimonya ay mula sa mga dating komunista na nakita umanong nakikipagpulong ang anim na kongresista sa coup plotters. May mga detalye sa petsa, lugar, at kaganapan sa mga pulong.
Nasa Makati court at Kongreso na ang charge sheets, kasama ang mga ebidensiyang dokumento at testimonya. Hindi ito naipapahayag dahil sa dalawang rason. Una, walang batayang sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzalez na ang kaso laban sa anim ay tungkol sa pagpatay ng mga komunista sa mga kasamahang pinaghinalaang ahente ng militar. Ikalawa, inaatupag ng media, lalo na ng radio-television, ang umanoy mala-"Pinoy Big Brother" na pagkakakulong ng lima sa anim sa "House" ni Speaker Joe de Venecia, at ang pagsisigaw ni Beltran nang dalhin sa Makati court.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended