^

PSN Opinyon

Reklamo ng mga estudyante, wala daw Pulis, kaya talamak ang holdapan sa MCU!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
DINAGSA ng mga text messages ang BITAG text hotline ng mga nagpakilalang estudyante ng Monumento Central University o MCU.

Ibinulalas nila sa Bahala Si Tulfo at BITAG ang kinatatakutang pangyayari ng mga estudyante ng MCU sa talamak na holdapan sa tapat daw mismo ng kanilang paaralan.

Bibigyan ko ng espasyo sa kolum na ‘to ang boses ng mga naturang estudyante ukol sa kanilang reklamo. Narito ang bahagi sa mga text messages na aming natanggap:

Mr. Tulfo, nawa’y makarating ang aming panawagan sa kinauukulan ukol sa talamak na holdapan sa MCU Kalookan. Kami pong mga estudyanteng pumapasok ng 5 am ang kadalasang nabibiktima sa kadahilanang walang nakabantay na pulis…number withheld


Masakit isipin na ang mga taong kanilang inaasa- hang po-protekta sa kanila sa oras ng panganib ay yun pa yung kauna-unahang hindi mahagilap.

Mayor Recon Echiveri ng Kalookan City Hall, kinaka-labog namin ang inyong tanggapan upang mala-patan ng agarang aksiyon ang problemang ito ng mag-aaral ng MCU.

Huwag na nating intayin pang dumanak ng maraming dugo sa teritoryong iyan bago pa tuuluyang kumilos.

Simpleng kahilingan lang naman ang gusto ng mag-aaral, MGA PULIS O TANOD na alerto at smarte hindi yung mga natutulog sa pansitan.

Yung handang ipagtanggol ang mga tao sa oras ng kagipitan at hindi yung utak o kasabwat pa sila sa ile- gal na gawain.

Sayang naman kasi kung tutuusin ang karagdagang pasahod sa mga tauhan ng gobyerno kung ganitong nabubutasan pa rin ang kanilang trabaho.

Mananatili kaming nakatutok sa problemang ito ng mga estudyante. Sa aming pagmamasid, titingnan ng Bahala si Tulfo at BITAG kung may pagbabago sa lugar na ‘yan ng MCU.

Batid naming hindi naman bingi o tulog ang tanggapan ng Kalookan City Hall sa panawagang ito.

Bigla na lang kaming papasok sa eksena kapag isinantabi lang ang kasong ito. Dahil wala kaming pinipiling reklamo at oras ng pagtatrabaho.

BAHALA

BAHALA SI TULFO

BATID

BIBIGYAN

BIGLA

KALOOKAN CITY HALL

MAYOR RECON ECHIVERI

MONUMENTO CENTRAL UNIVERSITY

MR. TULFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with