^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kidnapping ay talamak dahil butas ang batas

-
IBA’T IBANG krimen ang nagaganap sa bansa at hindi na nakapagtataka kung mabawasan ang dumadagsang mga turista rito. Sino ba naman ang hindi matatakot kung habang narito sa Pilipinas ay makidnap, maholdap o kaya’y malansi ng mga kawatan. Kaysa mabiktima rito pumili na lang ng bansa na hindi manganganib ang buhay. Nakakahiya na hindi ligtas sa bansang ito at wala namang gaanong maibigay na proteksiyon ang mga awtoridad para mapangalagaan ang mga dayuhan.

Isa sa mga talamak ng krimen ngayon ay ang kidnapping. Sa ulat ng Pacific Strategies and Assessments (PSA) tumaas ang bilang ng mga nakikidnap. Pinagbatayan nila ang report na noong nakaraang taon ay tumaas ng 50 percent ang kidnapping kumpara noong 2004. Sa report ng PSA, may naganap na 44 kidnappings noong 2005. Tinatayang may nakikidnap tuwing ikatlong araw sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kidnap hotspot ang Pilipinas at kung hindi magkakaroon ng mahusay at matibay na kampanya ang Philippine National Police, hindi kataka-taka na wala nang magtungong turista rito sa bansa. Para ano pa? Para makidnap lamang? Pero ang sabi naman ng PNP, hindi naman gaanong talamak ang kidnapping at ito ay nasa manageable level. Ibig sabihin ng PNP kontrolado nila. Patuloy umano silang gumagawa ng hakbang para tuluyang mawakasan ang pamamayagpag ng mga kidnappers. Sabi pa ng PNP kaya hindi sila makagawa ng hakbang para matugis ang mga kidnappers ay sapagkat tumatanggi ang mga kamag-anak ng biktima na makipag-cooperate para malutas ang kaso.

Hindi masisisi ang kamag-anak ng biktima kung hindi sila makipag-cooperate sa mga pulis. May mga pagkakataong kasabwat ng sindikato ang ilang "bugok" na pulis. Sa halip na matulungan, ay lalo lamang lumulubha ang sitwasyon na humahantong pa sa kamatayan ng kinidnap. Kaysa nga naman makipagtulungan sa mga pulis ay minamabuti na lamang na magbayad ng ransom sa mga kidnappers.

Hindi masisisi ang mga kaanak ng biktima na huwag makipag-coordinate sapagkat sa mga nakaraan, nakumpirma na ang mga miyembro ng sindikato ay mga AWOL na miyembro ng military at pulis. Paano pa magtitiwala sa mga alagad ng batas kung ganito ang sitwasyon?

Pinakamabisang paraan ay mag-isip ng strategy para masakote ang mga kidnappers. Nakapanghihinayang nga lamang na matapos magpagod ang mga pulis sa paghuli sa mga kidnappers ay parurusahan lamang nang magaan. Ang bitay na dapat ay parusa sa mga kidnappers ay hindi naigagawad. Malambot kasi ang batas kaya kidnapping ay talamak.

IBIG

ISA

KAYSA

KIDNAPPERS

PACIFIC STRATEGIES AND ASSESSMENTS

PARA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with