^

PSN Opinyon

Enrile vs Jamby

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
BINABANTAYAN ngayon ng marami ang kaganapan sa senado dahil sa awayan nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Jamby Madrigal.

Si Enrile ang architect ng martial law nu’ng panahon ni Ferdinand V. Marcos. Nilabanan niya si Marcos noong 1986 kasama si Fidel Ramos.

Si Jamby ay isa sa mga bagong miyembro ng senado. Magkasama sila ni Enrile sa partido noong nakaraang eleksyon. Si Jamby ay galing sa mayamang angkan at mga pulitiko rin ang ninuno. Ang kanyang lolo na si Don Vicente Madrigal ay naging senador din noong panahon ni President Ramon Magsaysay.

May kasabihan na "in politics, there are no permanent friends". Nagsimula umano ang away ng dalawang senador nang pinaiimbistigahan ni Jamby ang logging company ni Enrile dahil mayroon diumanong iregularidad. Nabanggit pa raw ni Jamby ang pagkakamal ng maraming pera ni JPE nung panahon ni Marcos. Binuweltahan naman siya ni Manong Johnny. Ang ama naman daw ni Jamby ang nakayari ng malaking pera dahil malapit ito sa mga Marcoses. Pero, ang matindi sa mga paratang ni JPE ay nang sabihing nandaya raw at namudmod nang maraming pera si Jamby para manalo. Dinig na dinig daw niya ito na mula sa bibig ni Jamby. Nagbabala si Sen. Enrile na gagawin niya ang kanyang makakaya upang mapatalsik si Jamby bilang senador sapagkat may mga ebidensiya naman daw siya.

Tingnan nga natin. Tutal naman, matinik na abogado si Enrile. Abangan!

DON VICENTE MADRIGAL

ENRILE

FERDINAND V

FIDEL RAMOS

JAMBY

JAMBY MADRIGAL

JUAN PONCE ENRILE

MANONG JOHNNY

PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY

SI JAMBY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with