^

PSN Opinyon

Dalawang dekada na ang PSN, salamat sa inyong suporta

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HAPPY 20th anniversary sa Pilipino Star NGAYON!

Dalawang dekada na ang diyaryo namin NGAYON, at siyempre tiyak masaya ang mga empleado bunga sa mga bonus at kung anu-ano pang benepisyo na matatanggap mula sa management. At isa ako sa 22 empleado na mabibigyan ng parangal bunga sa 20 years in the service nga. Ang ibig kong sabihin mga suki, nasaksihan ko kung paano nagsimula ang diyaryo na ito, at sumibol sa kinalalagyan nito sa ngayon. Lumaki na ang Pilipino Star NGAYON masarap isipin na kasama ako, pati kayo mga suki, sa tagumpay na tinatamasa ng PSN sa ngayon at sa hinaharap. Kaya mga suki, huwag kayong magsawa sa pagsuporta sa PSN dahil hindi naman kami magbabago dito. Kung paano tayo makibaka sa mga illegal at masasamang gawain ninuman at maging sa katiwalian sa ating gobyerno noon, lalo nating pag-ibayuhin sa ngayon para mabawasan na ang masasama sa ating kapaligiran.

At siyempre mga suki, magagawa ko lang ’yan dahil sa inyong walang sawang suporta. Kung tayo ay naging dalawang dekada na sa ngayon, itong si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao naman ay nag-100 days na sa puwesto noong Huwebes. Ang tanong, may pagbabago ba sa PNP sa ilalim ng liderato ni Lomibao? Eh, hindi maliwanag na WALA, di ba mga suki? Kung tutunghayan ang diyaryo, TV at radyo, halos maya’t-maya ay may rally, patayan, at nakawan. Subalit kung ang pulisya ang paniniwalaan, bumababa ang crime rate sa bansa. Owww! Bola kamatis lang ’yan! Maaaring sa liderato ni Lomibao, naipasara ang jueteng subalit nitong nagdaang mga araw, nagsulputan naman ito sa buong Luzon at Visayas, ayon kay Dagupan Arch. Oscar Cruz. Itinatago ang jueteng sa mga larong EZ2 o STL ani Cruz. Kaya tiyak busog na naman ang mga uwak sa hanay ng ating kapulisan, di ba Gen. Lomibao Sir?

Ipinangalandakan ni Lomibao ang kanyang transformation plan, subalit may ebidensiya ako na siya mismo ay hindi sinusunod ito. Tulad na lang sa ‘‘no take policy’’ niya na iniilagan ang mga graduates na PMA tulad ng kaso nina Batangas PNP chief Sr. Supt. Don Montenegro at Cavite PNP chief Sr. Supt. Benjardi Mantele. Nahulihan ng jueteng sina Montenegro at Mantele subalit hindi sila na-relieve di tulad ng sa ibang probinsiya na mabilis si Lomibao sa pgsibak sa kanila dahil hindi sila PMAer.

Itong anti-illegal gambling task force namann ni Lomibao ay nangharabas sa buong bansa nitong nagdaang mga araw subalit matapos nila madaanan ang mga pasugalan, eh nagsulputang muli ang mga ito. Di ba nagsibak pa ng video karera si Lomibao sa Camp Crame? Subalit maglibot ka ngayon sa bansa Gen. Lomibao, hindi si Baguio City lang ha, at tiyak matutuklasan mo na nagkalat na naman ang video karera ni Rey Recto sa Valenzuela City at ang kay Jun Mata sa Las Piñas City. Nag-full blast ang operation ng bookies ng karera ni Apeng Sy sa Maynila noong Miyerkules at higit sa lahat tuloy pa rin ang pagkolekta ng intelihensiya ni PO2 Bayani Neri, ng CIDG ni Chief Supt. Jess Versoza.

Abangan!

APENG SY

ARTURO LOMIBAO

BAGUIO CITY

BAYANI NERI

BENJARDI MANTELE

LOMIBAO

NGAYON

PILIPINO STAR

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with