^

PSN Opinyon

CENR-WMO ng Antipolo, basahin n’yo ’to!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
GRUPONG nagtungo sa BITAG Action Center ang mga residente ng Hinapao, Antipolo City upang ireklamo ang resolusyon mula sa kanilang munisipyo. Ito ay partikular sa desisyon ng City Environment Natural Resources (CENR) ng Antipolo sa inirereklamong poultry farm ng mga residente ng Bgy. Hinapao.

Ang siste, dahil sa kabalahuraan at kababuyan ng poultry farm na ito ay nagkaisa ang mga residente na ireklamo sa munisipyo ang nasabing farm. Dito, agad nagpalabas ng mission order si Mayor Gatlabayan na ipasara ang inirereklamong farm dahil sa patuloy daw na pagkakasakit ng mga batang residente sa lugar.

Ang problema, pagdating sa opisina ng CENR-WMO, dumaan pa sila umano sa tatlong hearing at dito na nadagdagan ang kalbaryo ng mga residente. Dala ang mga dokumentong galing mismo sa nabanggit na tanggapan, ipinakita nila sa BITAG ang resolusyong sinasabi ng CENR-WMO. Nakalagay dito, na ang inirereklamong poultry farm ay maaari pang magpatuloy sa kabuktutan, este, sa kanilang negosyo hanggang 2010.

Aba naman, mukhang hihintayin pa ng opisinang ito na may mamamatay sa sakit sa baga at balat sa mga residente bago sila umaksiyon. Kung tutuusin, dapat aksiyon agad ang kanilang pinairal dahil mula na sa itaas ang utos.

E malinaw naman yata na maraming nilabag ang poultry farm na ’to dahil si Mayor Gatlabayan mismo ang nagpalabas ng utos na ’to.

Ano kaya sa tingin n’yo Engr. Violeta Sabulao, hindi kaya may problema sa mga tao mo?Hindi papayagan ng BITAG na dumami pa ang magiging biktima ng poultry farm na ’to. Kalusugan ng mamamayan ang nakataya rito kaya wala kaming pakialam kung gagamit ng padrino ang nasabing farm para makapagpatuloy sila sa kanilang mabantot na negosyo.

Mayor Gatlabayan, baka hindi n’yo pa alam ang ginagawang kabuktutan ng mga tao n’yo sa baba e BITAG na ho ang magpapaalala. At sa CENR-WMO, nakatutok lang kami rito. Malakas ang aming pang-amoy na may malansang isda sa inyong opisina at iyon ang papatibungan namin! Abangan…

ABANGAN

ACTION CENTER

ANO

ANTIPOLO CITY

CITY ENVIRONMENT NATURAL RESOURCES

FARM

HINAPAO

MAYOR GATLABAYAN

VIOLETA SABULAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with