^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 20 taon nang mata ng mga bulok sa pamahalaan

-
ISINILANG ang Pilipino Star NGAYON (dating Ang Pilipino Ngayon) sa panahong ang bansa ay bago pa lamang nakatatakas sa 20 taong paninikil ng rehimeng Marcos. Masakit ang sugat na nilikha sa mamamayan sapagkat bukod sa paninikil sa karapatan, kaliwa’t kanan ang nangyayaring corruption na naging dahilan para malugmok sa kahirapan ang karaniwang mamamayan.

Talamak na katiwalian ang namayani sa 20 taong paghahari at ang pangyayaring iyan ang dahilan kung bakit laging nakasentro ang PSN sa pagbatikos sa mga nangyayaring corruption. Sa loob ng 20 taong pagsisilbi ng PSN sa mamamayang Pilipino, madalas na naging paksa ng editorial, columns at maging letter to the editor ang mga nangyayaring katiwalian sa pamahalaan.

Mula Marso 17, 1986 na isinilang ang pahayagang ito walang ipinagbago sa kanyang layunin na maging mata ng sambayanan laban sa mga gumagawa ng katiwalian.

Ang corruption at jueteng scandal sa panahon ni dating President Estrada ay malinaw na naihatid ng PSN sa mambabasa. Ang isyu sa corruption ang naging dahilan para mapatalsik sa puwesto si Erap.

Nang maupo si GMA noong January 20, 2001, panibagong pagtutok ang ginawa ng pahayagang ito sa kanyang administrasyon. Palibhasa’y nagkaroon na ng leksiyon sa Estrada administration, kaun-ting kibot lamang ng GMA administration ay naki- kita. Isa sa nakita ay ang isyu sa kanyang asawang si First Gentleman Mike Arroyo na naakusahan ng corruption nang mabuking ang pangalang "Jose Pidal".

Nang maluklok muli sa puwesto si GMA noong June 30, 2004 matapos talunin ang yumaong si Fernando Poe Jr. muli siyang nabugbog ng kontrobersya. Lumutang ang "Garci tape" na umano’y usapan nila ni ex-Comelec com. Virgilio Garcillano para dayain ang resulta ng election. Nag-sorry si Mrs. Arroyo sa taumbayan.

Laging laman ng PSN ang mga balita sa corruption sa pamahalaan. Kakatwang nang makalaya noong 1986 sa rehimeng Marcos ay lalo pang dumami ang mga bulok na opisyal at empleado ng gobyerno. Kumapal ang mga buwaya sa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Department of Public Works and Highways, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ngayong 20 anyos ipagpapatuloy ng PSN ang nasimulang pagbatikos at pagpuna sa mga "buwaya" sa pamahalaan.

ANG PILIPINO NGAYON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FERNANDO POE JR.

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JOSE PIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with