Bakit hindi magkasundo ang manugang at biyenan?
March 16, 2006 | 12:00am
HINDI na pinagtatakhan ang pangyayari na ang manugang na babae ay galit sa biyenang babae at vice versa. Kadalasang hindi pagkasunduan ay ang isyu ng parenting o ang pagiging magulang at wastong pagpapalaki sa mga anak. May mga manugang na ayaw pakiala-man ng biyenan ang pagdidisiplina sa mga bata. Palagi silang nagtatalo hanggang sa tumagal ang panahon ay nanatili silang tulad ng tubig at langis.
Ang pakikipag-debate kadalasan ay nauuwi sa pagkainis at samaan ng loob na sanay hindi umabot sa sukdulan kung hindi sila parehong ma-pride at nagkaroon sila ng mabuting ugnayan at komunikasyon. Dapat na ang manugang ay pakinggan ang mga sinasabi ng biyenan. Bagamat may mga puntos na hindi katanggap-tanggap huwag ipilit ang sariling opinion. Makabubuting ipaliwanag ng marahan at sabihin kung bakit hindi na napapanahon at wala ng relevance ang mga paraang inihayag ng mother-in-law. Sinabi na karamihan sa mga matatanda ay may wisdom na ibinabahagi sa mga kabataan pero meron ding kasabihan na may matatanda na tumanda na wala naming pinagkatandaan.
Likas sa Pilipino ang pagiging magalang. Bagamat hindi sang-ayon sa tinuran ng mga nakatatanda pakiisipin na may mahalagang bagay din silang ibinahagi sa pagmamahal, pagkalinga at concern sa lahat. Pakaisipin na anumang problema ay may solusyon at walang hindi nalulutas sa pamamagitan ng marahang pag-uusap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest