Ang Ebanghelyo ay mula sa panulat ni Mateo (Mt. 20:17-25).
Nang nasa daan na si Jesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang 12 alagad. Sinabi niya sa kanila, "Aakyat tayo sa Jerusalem. Dooy ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siyay tutuyain, hahagupitin at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw."
Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kayat lumuhod siya sa harapan ni Jesus. "Ano ang ibig mo?" tanong ni Jesus. Sumagot siya, "Sanay ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian isa sa kanan at isa sa kaliwa." "Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi," sabi ni Jesus sa kanila. "Matitiis ba ninyo ang hirap na titiisin ko?" "Opo," tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na titiisin koy titiisin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyoy para sa mga pinaghandaan ng aking Ama."
Nang marinig ito ng 10 alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kayat pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami."
Ang tunay na pinuno ay totoong naglilingkod at handang ilaan ang kanyang buhay para sa pinaglilingkuran.