Maliit man o malaking problema inaaksyunan ng BITAG!
March 15, 2006 | 12:00am
BAWAT reklamong natatanggap ng BITAG, sa aming action center ay dumadaan sa aming proseso. Hanggat maari ay ginagawa namin na matulungan lahat ang mga kababayan.
Tuwing Miyerkules aming isinasagawa ang aming public service, dito namin masusing pinag-aaralan ang mga reklamo at ilan dito nanggagaling sa aming malalaking istorya sa BITAG.
Pero nito lamang linggo, sa hindi inaasahang pangyayari, ang BITAG ang lumabas na lupon ng barangay itoy matapos dumulog ng sabay sa BITAG ang pamil-yang inirereklamo at ang nagrereklamo.
Aksidenteng nagtagpo ang landas ni Albert Lagonoy, biktima ng pambubugbog at Mary Jane Montecardo, ang kapatid ng nambugbog diumano sa biktima.
At ng mawalan ng malay si Albert, ninakaw ang kanyang cellphone ng kapatid ng suspek, at ang kapatid lamang ni Mary Jane ang kanyang nakita, itoy ayon sa salaysay ng biktima.
Pero ang siste, hindi masulusyunan ng kanilang barangay ang kanilang problema kayat sa BITAG nag- karoon sila ng hearing kuno.
Naging matensyon ang naging usapan ng magkabilang panig. Pero dahil nasa balwarte sila ng BITAG at wala sa kanilang inutil na barangay, agad na kaming namagitan.
Kilos prontong sinolusyunan ng BITAG ang problema ng dalawang panig, sinabihan na lamang namin ang mga nagrereklamo at inirereklamo na kung hindi sila magkakasundo sa aming tanggapan, mabuting magsampa na lamang sila ng kaso. Dahil lahat ay dapat idaan sa prosesong kinakailangan.
Simpleng problema lamang ito kung tutuusin, pero maliit man o malaki ang problema kapag inilapit sa BITAG agad kaming gumagawa ng solusyon at aksyon.
Hindi namin istilo pakialaman ang trabaho ng barangay pero kung nakikita namin ang kapabayaan, agad namin itong tinutuldukan! Nasa desisyon na ng nag-aaway na pamilya kung sa BITAG sila parehong lalapit upang kami ay mamagitan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended