^

PSN Opinyon

Ang tamang pag-aayuno

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NASA panahon tayo ng Kuwaresma. At tayo’y hinihikayat na mag-ayuno bilang pakikiisa sa mga pasakit ni Jesus, lalo’t higit upang pagsisihan ang ating mga kasalanan.

Basahin ang Isaias. 58:1-10 na tungkol sa tumpak na pag-aayuno.

Sinabi ni Yahweh, "Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng bayan ko sa kanila’y ihayag. Sinasamba ako, kunwa’y hinahanap, sinusundan-sundan, parang natutuwang ang kalooban ko’y kanilang malaman; ibig palabasin na ang gawain nila ay matuwid, at hindi lumilihis sa mga tuntuning aking ibinigay. Wari’y natutuwang sa aki’y sumamba, at ang hinihingi’y hatol na matuwid."


Ang tanong ng mga tao, "Bakit ang pag-aayuno nati’y di pansin ni Yahweh? Nagugutom lang tayo ngunit walang kabuluhan."

Ang sagot ni Yahweh, "Pansariling kapakanan pa rin ang pangunahing layunin sa pag-aayuno, habang nag-aayuno’y patuloy na inaapi ang mahihirap. Ang pag-aayuno ninyo’y humahantong lamang sa alitan hanggang kayu-kayo’y nag-aaway-away. Kung ang pag-aayunong ginagawa ninyo ay gayon din lamang, ang inyong pagtawag ay tiyak hindi ko pakikinggan. Sa inyong pag-aayuno pinahihirapan ninyo ang inyong sarili. Yumuyuko kayong parang damong hinihipan ng hangin. Nagdaramit kayo ng sako at nahihiga sa abo. Pag-aayuno ba iyan? Akala ba ninyo’y nasisiyahan ako riyan?

"Ito ang gusto kong gawin ninyo: Tigilan na ninyo ang pang-aalipin; sa halip ay pairalin ang katarungan; ang mga api’y palayain ninyo at tulungan. Ang mga nagugutom ay inyong pakanin, patuluyin sa inyong tahanan ang walang tirahan. Yaong mga tao na halos hubad na ay inyong paramtan, ang inyong pagtulong sa mga kasama ay huwag tatalikdan. At kung magkagayon, matutulad kayo sa bukang-liwayway, hindi maglalao’t gagaling ang inyong sugat sa katawan, ako’y laging sasainyo, ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar. Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang dalangin ninyo, pagkayo’y tumawag ako’y tutugon agad. Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa akin, at ang masamang salita’y iiwasan, kung ang nagugutom ay pakakanin ninyo at tutulungan, ang kadilimang bumabalot sa inyo ay magiging tila liwanag sa katanghalian."

Karagdagan sa mataimtin na pananalangin, kailangan ng ating bayan ngayon ang tunay na pag-aayuno.

AAYUNO

BAKIT

BASAHIN

IKAW

INYONG

ISAIAS

NINYO

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with