Tigilan ko na raw ang banat kay Apeng Sy, he-he-he!
March 12, 2006 | 12:00am
SAMUT SARI ang reaction ng mga pulis-Maynila ukol sa exposé ko laban sa malawakang bookies ng karera ni Apeng Sy sa kaharian ni Mayor Lito Atienza. Marami ang natuwa at ang untouchable ang aking napuruhan samantalang may iilan ding nakikiusap na tigilan ko na si Apeng Sy. At marami rin ang tumawag o nakipagkita sa akin para alamin kung sino ang nasa likod ng sunud-sunod kong tirada laban sa manok nilang si Apeng Sy. Siyempre, hindi ko sasabihin kung paano ko nakalap ang mga impormasyon kay Apeng para hindi naman malagay sa alanganin ang aking mga suki. Marami rin sa pulis-Maynila ang nabigla dahil sa sobrang laki na pala ang operation ni Apeng Sy sa ilalim ng liderato ni Atienza. Hanggang sa ngayon, tuloy pa rin ang operation ni Apeng Sy at mukhang bulag, pipi at bingi si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao sa illegal na negosyo niya, he-he-he! Baka may pakinabang si Lomibao kay Apeng Sy, di ba Gen. Nanas Sir?
Kung itong si Apeng Sy ay may dumidepensa, kabaligtaran naman ang kaso ni PO2 Bayani Neri, ang kolektor ng CIDG director na si Chief Supt. Jess Versoza. Marami ang galit na pulis-Maynila kay Neri na hanggang sa ngayon ay umiikot pa sa Kamaynilaan para patuloy na dungisan ang pangalan ng CIDG. Kaya lang marami sa mga pulis na minumura si Neri ay may mga bookies din. Sa tingin ko, nag-aalboroto ang mga pulis-Maynila dahil nahihirapan silang suwetuhin si Neri. Ika nga ay hindi napagbigyan, di ba mga suki? Kung sabagay, iba ang dating ni Neri sa MPD dahil iniilagan siya ng mga kapwa-pulis niya. Paano sila hindi iilag eh illegal din pala ang negosyo nila. Sa anggulong ito, kampi ako kay Neri mga suki!!
Ganito pala Gen. Versoza Sir ang hinaing ng mga pulis-Maynila kay Neri. Hindi raw nilulubayan ni Neri ang paghuli ng kanilang puwesto at panay sampa nito ng kaso. Natural lang, di ba mga suki? Trabaho yan kayat dapat tuluyan. Kaya lang ang ipinagtataka nila, iniiwasan ni Neri ang mga puwesto nina Apeng Sy at Boy Abang o Oscar Simbulan. Siyempre, ang dahilan bundat si Neri kina Sy at Abang at sa kanila wala siyang mahihita dahil gusto nila menos ang lingguhang intelihensiya nila. At kapag tinutuluyan sila ni Neri, at kinukumpis-ka pa ang mga gamit tulad ng TV at telepono. Kapag palagi itong ginagawa ni Neri, aba sumasakit ang mga bulsa ng mga pulis na may illegal at karamihan ay naggi-regilya na lamang. At ang mga puwesto nila kasama na ang nakumpiskang ebidensiya ay pinag-aagawan nina Apeng Sy at Boy Abang kayat gutom sila at si Neri ang pinagdiskitahan nila. Get mo Gen. Versoza Sir?
Anila kung si Neri ay ayaw mapakiusapan, dapat lang sigurong hindi rin siya makipag-usap kung mabanatan siya tulad ng ginagawa ko. Aba may katwiran sila rito ah, di ba mga suki? Kung sabagay, bata pa naman si Neri. Kapag nasibak siya ni Gen. Versoza, mahaba pa ang panahon para siya makabangon. Pangit naman kasing isipin, anang mga pulis na nakausap ko, na panay malas sila at hindi na mapigil ang buwenas ni Neri nga. Gusto nilang bigyan ni Gen. Versoza ng leksiyon si Neri, nang sa gayon dili na ito pamarisan pa ng ibang balasubas na mga kolektor. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest