^

PSN Opinyon

Pantay na mana

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
AUGUST 12, 1943 nang mamatay si Venancio nang walang testamento. May-ari siya nang lupaing may sukat na 7.7837 hektarya na matatagpuan sa Mindoro at nakuha niya ito sa ilalim ng free patent na may Original Certificate of Title No. 3014. Single nang mamatay si Venancio, ngunit may anak na lalaki siya kay Emilia na si Pepe; at isang anak na babae naman kay Juana, si Lina. Noong May 26, 1948, ibinenta ni Delia, kapatid ni Venancio ang lupa sa halagang P750.00. Si Delia’y nagpa-appoint sa Korte na guardian ni Pepe upang maibenta ang lupa. At inaprubahan naman ng Korte ang Deed of Absolute Sale sa pangalan ni Serapio. Pagkaraan idineklara ni Serapio ang lupa sa kanyang pangalan upang mabayaran ang buwis nito ngunit hindi niya ito na-rehistro sa Register of Deeds kaya hindi rin niya nakuha ang Torrens Title ng lupa.

Nang nasa tamang edad na si Pepe, nagsampa siya ng kaso sa korte laban kay Serapio upang ibenta muli sa kanya ang lupa sa parehong halaga. Hindi ito pinayagan ng korte dahil ang karapatan ni Pepe na bilhin ang lupa ay lumipas na ayon sa Commonwealth Act 141, kaya hindi na niya inapela pa ang kaso.

Makalipas ang 24 na taon, nagsampa naman si Lina ng kaso laban kay Mila, asawa ni Serapio na namatay na; at hiniling sa korte na utusan si Mila na ibalik sa kanya ang kalahating bahagi ng lupa dahil kapwa may-ari rin siya nito. Aniya’y nalaman lamang niyang may-ari rin pala siya ng lupa noong makaraang taon lamang. Maaari bang makuha ni Lina ang kalahating parte ng lupa na pagmamay-ari rin niya?

MAAARI.
Nang mamatay si Venancio, wala pang bisa ang bagong Kodigo Sibil (Civil Code), kaya ang lumang Kodigo Sibil ang masusunod. Sa Artikulo 939 ng lumang Kodigo Sibil, sinasaad na kung walang lehitimong taga-pagmana, ang kinikilalang anak ang magmamana nang ari-arian ng namatay na. Nakasaad din sa Artikulo 932 na ang mga anak ng namatay ay may karapatang magmana at kinakailangang hatiin ng pantay ang kanilang mamanahin. Nang mamatay si Venancio noong August 12, 1943, kinilala sila Pepe at Lina bilang mga anak niya, kaya ayon sa Artikulo 939, sila’y tagapagmana ng lupa na hahatiin ng pantay sa kanilang dalawa na hindi kasama sina Emilia at Juana dahil hindi naman sila kinikilalang asawa ni Venancio ayon sa batas.

Kaya ang nabili ni Serapio kay Pepe sa pamamagitan ni Delia, ay kalahati lang ng lupa dahil ito lang ang pag-aari niya (Balido-Montero vs. Septimo G.R. 149751. March 11, 2005).

ARTIKULO

CIVIL CODE

COMMONWEALTH ACT

DEED OF ABSOLUTE SALE

KODIGO SIBIL

LUPA

NANG

PEPE

SERAPIO

VENANCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with