^

PSN Opinyon

Gen. Pedro Bulaong sa NBI!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
ILANG buwan ng bakante ang posisyon ng yumaong dating NBI director Reynaldo Wycoco.

Dahil bakante pa rin ang posisyong ito, marami ang tahimik na nagnanais at nag-aasam-asam sa nasabing puwesto.

Isang pangalan ang pilit na pinalulutang. Maituturing na malisyosong biro ito kay Gen. Pedro Bulaong ang District Director ng Manila Police District.

Tahimik namang nagtatawanan ang ilang matataas na opisyal sa NBI. Alam nila kung sino ang nasa likod ng pagpapaikot ng balitang ito.

Kung seryosong usapan at hindi biro, ang sinumang mamumuno sa NBI ay kinakailangang alam niya ang ibig sabihin ng salitang RESPETO.

Ang respeto ay NAKAKAMIT base sa resulta. Hindi ipinagkakaloob ang respeto sa taong uupo sa puwesto bilang Director ng NBI.

Ang basehan ng respeto ay tamang ‘‘kuwalipikasyon’’ Una, kinakailangang siya ay isang matinding abogado, hindi lang basta abogado.

Kinakailangang matindi ang kanyang background sa hudikatura o kaya’y galing siya sa hudikatura. Kung maaari siya ay isang ‘‘respetableng judge’’ at may background sa law enforcement. Importanteng naiintindihan niya ang trabaho ng isang law enforcer at crime busting.

Tahasan ko nang sasabihin, hindi kinakailangang galing sa pulis ang iuupo dito! Sawa na raw ang NBI sa isyung ito. Matapos nilang maranasan ang estilo ng mga dating umupo galing sa hanay ng pulisya.

Dapat ding nakapag-aral o di naman kaya nagkaroon siya ng karanasan ng pagsasanay sa Federal Bureau of Investigation ng Estados Unidos. Dito pa lang alam niya na ang pagkakaiba.

Alam niya na rin kung ano ang tamang pamantayan na kinakailangan dahil naintindihan niya ngayon kung bakit tinawag na National Bureau of Investigation.

Hindi kinakailangan na manggagaling sa loob o isang insider ang ihihirang. Ang taong kinakailangan ay may ‘‘strong personal conviction’’ at hindi yung sunud-sunuran sa lahat ng bagay na ididikta sa kanya ng nasa itaas.

Panghuli, dahil siya’y respitable at nirerespeto, meron siyang moral authority sa mga taong kanyang dadalhin mula sa ibaba.

Kaya naman tahimik na nagtatawanan sa loob ng NBI at mistulang naging ‘‘payaso’’ ang pobreng si Bulaong sa paglutang ng kanyang pangalan. He-he-he!

ALAM

BULAONG

DAHIL

DISTRICT DIRECTOR

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEDRO BULAONG

REYNALDO WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with