EDITORYAL - Mga utak tingga
March 10, 2006 | 12:00am
NAKATATAKOT na sa panahong ito lalo na sa gabi. Kung makaligtas man sa mga holdaper, kidnapper, carjacker at iba pang mga halang ang kaluluwa, sa mga pulis na "utak tingga" naman delikado. Baka maratrat ng mga pulis at pagkatapos ay sasabihing napagkamalan. Saka magsosorry sa kanilang hindi sinasadyang naratrat na biktima. Nakatatakot. Saan pa ba ligtas ngayon?
Walang "utak" ang mga pulis na nasa Traffic Management Group (TMG) o kung meron mang utak baka nga "tingga o pulbura" ang laman. O kung meron ngang utak e nerbiyoso naman at walang nagawa kundi ang mangratrat. Wala nang tanung-tanong pa.
Ang mga pulis-TMG ay dapat sumailalim sa mabigat na training. Ibalik sila sa school na pinanggalingan. Marami sa kanila ang walang alam kundi ang rumatrat sa pinagsususpetsahan. Hindi sila nararapat na manatili sa TMG sapagkat maaaring marami pa ang mapatay o masugatan.
Ang nangyari sa negosyanteng si Randolf Clarito, senior vice president ng Nutri-Plus ay isang halimbawa kung anong klaseng mga pulis ang nasa TMG. Muntik nang mapatay si Clarito ng mga pulis-TMG makaraaang ratratin ang kanyang sasakyan na napagkamalang pag-aari ng tinutugis na mga carjackers.
Nagsimula ang habulan sa West Triangle, Que-zon City nang ayon sa mga pulis ay ayaw tumigil ang sasakyan isang silver Toyota Altis. Unang nagpaputok ang mga suspect kaya gumanti ang mga pulis. Nagpaputok ang mga pulis-TMG at sapol ang sasakyan. Nang sumapit sa EDSA ay patuloy pa rin ang pamamaril ng mga carjacker. Nang makarating sa C5, nawala ang sasakyan at nagkataon namang nasa mga lugar na iyon si Randolf Clarito. Agad na niratrat ang sasakyan ni Clarito at muntik na siyang mapatay. Tinamaan siya sa likod at nadaplisan sa dibdib. Kaht may sugat nagawa naman ni Clarito na madala ang sarili sa ospital. Sinabi ni Clarito na itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban sa walong pulis.
Hindi iyan ang unang insidente kung saan "pumalpak"ang mga TMG official. Noong nakaraang taon, niratrat din nila ang apat na pinaghihinalaang mga carjackers. Ang matindi ay nakunan ng video kung paano ang ginawa ng mga TMG. Overkill ang ginawa nila sa mga biktima. Nakabulagta na ay binabaril pa. Ang isa pang suspect ay halatang buhay pa pero niratrat.
Nakatatakot na ang TMG lalo na sa gabi. Nararapat nang buwagin ang TMG.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended