^

PSN Opinyon

Sino nga ba ang hepe ng SOG?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SINO ba talaga ang hepe ng Special Operations Group (SOG) ng City Hall detachment ni Manila Mayor Lito Atienza? Ang katanungan na ito ang usap-usapan sa ngayon hindi lang ng mga pulis sa Manila Police District (MPD) kundi maging ng mga may kalakaran sa sakop ni Mayor Atienza. Magulo kasi itong SOG sa ngayon, at hindi malaman ng mga pulis at may kalakaran kung sino ang dapat kausapin. Ang may papel kasi na OIC sa ngayon ng SOG ay si Chief Insp. Pedro Sanchez, na galing naman sa Station 3 ng MPD. Pero ayon sa taga-MPD na kausap ko, tando-tando lang si Sanchez ng kaibigan kong si Ret. Police Col. Ernesto Ibay. ’Ika nga si Ibay ang nagrekomenda kay Sanchez kay Mayor Atienza para pumalit sa kanya para kaya niyang manduhan ito. Ano kaya ang meron sa SOG at pinag-aagawan ito? He-he-he! Tiyak wala ng iba kundi pitsa ang ugat ng kaguluhan diyan sa SOG, di ba mga suki?

Itong kaibigan ko na si Ibay kasi ay nagretiro na noong nakaraang taon matapos ang mahabang panahon na panunungkulan bilang hepe ng City Hall detachment nga. Kaya lang, siguro hindi maalis-alis o madistansiya ni Ibay ang kanyang sarili kay Atienza at hanggang sa ngayon madalas pa siyang makikita sa City Hall. Ang problema lang, nakikialam daw itong si Ibay sa trabaho ng SOG, anang kausap ko sa MPD. Ang gusto raw ni Ibay, ayon pa sa mga kausap ko, ang lahat ng communications ng PNP kay Sanchez ay dadaan muna sa kanya. Totoo ba ito, ha Col. Ibay Sir? Hindi lang ’yan? May P300,000 weekly na dahilan pa kung bakit ginusto pa ni Ibay na manatili sa City Hall, anang taga-MPD. Ito kayang P300,000 ang kabuuan ng lingguhang collection ng taga-SOG sa mga pasugalan, putahan at iba pang pagkakitaan sa Maynila? Anong say kaya ni Mayor Atienza dito? Totoo kaya na itong pera na ito ang ginagamit ni Atienza sa kanyang pakikisama sa media? Ang laki ano, mga suki?

Sa ngayon, narito ang agam-agam ng mga pulis at may kalakaran na gusto nilang maiparating kay Atienza. Kapag hindi kaagad kasi naaksiyunan ni Atienza ang problema ukol sa liderato sa SOG, tiyak madagdagan ang gastos nila. Kasi nga kung ang lingguhang koleksiyon ng SOG ay ang kaibigan kong si Ibay pa ang nakikialam, ano ang dahilan para mapigilan si Sanchez na humirit ng sariling butas? Hindi naman siguro papayag si Sanchez na tatango na lang siya sa kagustuhan ni Ibay at walang laman ang kanyang bulsa. Ano bali? Tatahimik na lang siguro si Sanchez kung may nakalaang pondo para sa kanya. Sa panahon ngayon, sino pa ba ang tatanggi sa grasya? Si Sanchez? Kung sabagay, abala sa ngayon si Mayor Atienza sa sigalot diyan sa Liberal Party.

Inagaw ni Atienza ang kapangyarihan ni Senate Pres. Franklin Drilon at wala pang linaw kung sino ang nanalo sa kanila. Totoo kaya ang kumakalat na balita na si Batangas Gov. Armand Sanchez ang nagpamudmod ng salapi hindi lang sa media kundi pati sa mga miyembro ng LP para dumalo sila sa breakaway ni Atienza sa Manila Hotel? Di ba si Sanchez mga suki ay matagal ng ibinubulgar na management ng jueteng sa Batangas?

Kung si Atienza ay nalangisan na ng illegal na sugal sa meeting pa lang ng LP hindi nalalayo na sa bakuran niya ay nakikinabang rin siya sa sugal-lupa, di ba mga suki?

ATIENZA

CITY HALL

IBAY

LANG

MAYOR ATIENZA

SANCHEZ

SOG

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with