^

PSN Opinyon

Madam Gloria nagsinungaling, nandaya at nagnakaw!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
PATULOY ang pambabanta ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga mamamahayag kahit na inalis na ang mapanupil at kuwestiyonableng state of national emergency o Proclamation 1017.

Ayon kay (in)Justice Secretary Raul Gonzales kailangan daw sumunod ang mga miyembro ng media sa mga alituntunin o "guidelines" na nais ng kasalukuyang administrasyon kung hindi patuloy daw ang gagawing crackdown.

Bakit naman hindi, ang media lang ang tanging sector ng lipunan na nagkaisa laban sa 1017. Ultimo ang mga kilalang kakampi ni Madam Senyora Donya Gloria sa media ay umalma laban sa naturang proclamation na malinaw na isang paraan ng pananakot at panunupil. Hindi nila inaasahan na kesa matakot, lalong nagkaisa ang naturang sector at ultimo mga kapatid sa international media ay pumalag.

Iyan ho ang tanging dahilan bakit umatras sila at hindi nila tinuloy ang pagpapa-aresto at pagtatake-over ng mga kasamahan sa media. Malaking pambobola at isa na namang kasinungalingan ang sinasabi nilang dahil nirerespeto raw nila ang freedom of speech and press kaya hindi nila sinundan ang ginawa nila sa Daily Tribune.

Diyan pa lang sa kilos na yan ay sinuway nila ang pinaka-importanteng guidelines na sinusunod ng media —- ang katotohanan.

Hindi sila naging totoo, ang ginawa nila ay malinaw nag panloloko o pambobola gaya rin ng ginawa ni Madam Senyora Donya Gloria ng sinabi niya na hindi na siya tatakbo. All the while ay wala siyang planong sundin ito at patunay ang deklarasyong yan na kanyang sinira sa Rizal Day pa mandin na puro kasinungalingan o pambobola ang ginagawa nila.

Matindi niyan, pagkatapos magsinungaling o bawiin ang salita (pag binawi mo ang salita mo, lalo na tungkol sa ganun katinding announcement malinaw na wala kang isang salita, kung wala kang isang salita, sinungaling ka o mambobola ka, kayo na ang magsabi, sinungaling ba o mambobola si Madam Senyora Donya Gloria. Sa ganang akin, pareho, mambobola na sinungaling pa) ay nandaya naman ang kasalukuyang administrasyon.

Itatanong ng mga kaalyado, kakampi, alipores, kasabwat at mga tuta at linta niya na paano sila nandaya, simple lang, ginamit niyo ang pera ng kabang bayan sa kampanya. Ebidensya, mga billboard na pinagmamalaki n’yo ang proyekto ninyo pero hindi naman pera ninyo ang ginawa kung hindi sa kabang bayan. Nagsinungaling na kayo, nandaya pa.

Paano pa ang Hello Garci ninyo. Hanggang sa kasalukuyan ay ayaw n’yong aminin kung sino ang kausap ninyo pero malinaw na si dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano ito. Wala bang pandaraya yan? Puwera pa riyan ang meeting sa mala-Palasyo n’yong bahay sa La Vista kung saan kasama pa si Lilia Pineda na maybahay ni Bong Pineda na kilalang gambling lord at kumare ninyo na namahagi ng pera sa mga Comelec officials.

Pero hindi pa ho nagtatapos sa pagsisinungaling, pandaraya at meron pa hong pagnanakaw.

Fertilizer scam, bailey bridges, road users tax, Marcos wealth, Macapagal Highway at napakarami pang iba. Lahat ho ito nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso at inaksaya n’yo. Dahil diyan malinaw na pagnanakaw iyan dahil pera ng bayan at hindi pera ninyo ang ginamit.

Kung kumita man kayo o hindi, malinaw na pagnanakaw pa rin.

Ninakawan ninyo ang ating mga mahihirap na kababayan na matululungan sana sa tamang paggamit ng naturang mga pondo pero malinaw na ninakaw at ginamit sa sariling interest.

Ngayon kayo mga kaibigan ang magsabi, tama ba ako o mali. Nagsinungaling, nandaya at nagnakaw ba si Madam Senyora Donya Gloria?
* * *
Congratulations nga pala sa pamangkin kong si Andrew Sy ng St. Jude Catholic School na nanalo kamakailan sa Metrobank Math Teachers Association of the Philippines Department of Education Math Challenge.

Ang team ho nila, kasama po si Vince Say at Adrian Sy ay nag-champion sa Grade 1 division sa buong NCR Division. Iba pa hong mga kasama nila galing sa St. Jude ay nanalo rin sa kani-kanilang level. Halos pakyawin ng St. Jude ang mga Gold medal sa elementary pero magaling din ang pinakita ng iba pang mga eskwelahan gaya ng Xavier School, Chiang Kai Shek, Juan Sumulong Elementary School, Pamplona Elementary School, San Beda Elementary School.

Mabuhay ang Metrobank sa pagbibigay nila ng pansin sa ganoong mga contest at ganoon din ang mga Math Teachers. Math ho ang isa sa pinakaimportante bagama’t mahina ho ako diyan. He-he-he! Anyway, sa inyong lahat, Congrats ho uli at alam ko kaya ng Pinoy tumapat sa buong mundo pagdating sa Math.
* * *
May masamang balita nga pala ako sa ating mga kabaro sa media. Pagkatapos ng 1017 ay kabi-kabilang libel cases ang ihaharap nila sa mga mamamahayag na patuloy babatikos kay Madam Senyora Donya Gloria.

Sa iba’t ibang lugar pa nila planong i-file ang mga demanda upang tiyakin na mahihirapan ang mga mamamahayag kahit sa pagbibiyahe man lang nila at pamasahe.

Ayon sa aking mga sources sa Malacañang ito ang gagawin ngayon ng mga nakapaligid kay Madam Senyora Donya Gloria upang tiyaking ma-harass ang mga kritiko at sinumang patuloy na maglalabas ng katotohanan.

Ang mga abogado nga naman nila o mga alipores nila ay makakagamit ng facilities ng gobyerno kagaya ng pamasaheng bayad ng taong bayan at tutuloy sa mga hotel na babayaran din ng taumbayan samantalang ang mga mediamen and women ay hindi maaaring magtagal sa isang lugar dahil pati pambayad sa matutuluyan ay mahihirapan.

Kala n’yo magaling kayo? Hindi n’yo kilala ang taga media, hindi n’yo mapapaatras iyan, gaya ng paulit ulit naming sinasabi, sa bawa’t isang mapatahimik n’yo, 10 o 100 ang papalit. Dadami lang kami at ang katotohanan hindi n’yo kayang itago at ibaon, lalabas at lalabas iyan. Ang ITLOG SARADONG-SARADO PERO NABUBUGOK PA RIN, katotohanan pa kaya?
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

ADRIAN SY

ANDREW SY

AYON

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MEDIA

NILA

ST. JUDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with