Ikinagulat ng pasyenteng si Joseph at ng kanyang mga kamag-anak ng isyuhan siya ng Amang Rodriguez Hospital ng death certificate gayung buhay pa siya.
Ito ay dahil daw sa kanyang kaliwang braso at binti na idineklarang amputated ng naturang hospital.
Naging palaisipan sa BITAG ang kasong ito, buhay, iisyuhan ng death certificate? Nagkainteres kaming mag-imbestiga.
Sa tulong ng Department of Health at National Statistics Office, madali at matagumpay na nakapag-imbestiga ang Bahala Si Tulfo at BITAG.
Malinaw sa aking interview kay DOH Medical Records Adviser Florinda Tuvillo na "hindi" nararapat gamitin ang death certificate bilang certification sa mga amputated body parts.
"Certification of Dead Body Parts" ang dapat na ini-isyu sa mga pasyenteng may ganitong kaso.
Ayon naman kay NSO Director Lourdes Hufana, traditional na ang ganitong proseso sa larangan ng medisina.
Hindi naman daw ito nirerehistro sa anumang talaan ng gobyerno dahil itoy katunayan lamang na may namatay at tinanggal na parte ng katawan ng isang pasyente.
At dahil balanse kami magtrabaho, kinuha rin ng BITAG ang panig ng Health Office at Civil Registry ng Marikina, gayundin ng Amang Rodriguez Hospital.
Dito, lumabas sa aming imbestigasyon na ang proseso ng pag-iisyu ng death certificate sa mga buhay pang pasyente ay dala ng tradisyunal na pagsasanay.
Gayunpaman, aminado ang lokal na pamahalaan at ng nabanggit na ospital, na ang ganitong pangyayariy nakakaapekto sa emosyunal na aspeto ng pasyente at kanyang mga kaanak.
Handa naman daw ang lokal na pamahalaan at ang Amang Rodriguez Hospital na susunod sila, kung anuman ang pagbabago na ipatupad ng National Government.
Nakaabot na sa kaalaman ng BITAG at Bahala Si Tulfo, nagpalabas na ng for-mat at batas ang DOH sa paggamit ng Certification of dead body parts kapalit ng nakakanerbiyos na Death Certificate.
Sa pagbabagong ito, mananatili kaming nakatutok!