^

PSN Opinyon

Sakit ng ulo

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
(Unang Bahagi)
KARANIWAN nang maririnig "Ang sakit ng ulo ko. Gusto ko nang iumpog sa pader!" May kasabihan na ang dalawang ulo raw ay mas mainam kaysa iisa. At kapag sumasakit ang iyong ulo, naidadalangin mong sana nga ay dalawa ang iyong ulo. Kapag sumakit ang isa, mayroon ka pang ekstrang ulo. Iyon nga lang, ano kayang itsura natin kung dalawa ang ating ulo. Ang sagwa siguro.

May tatlong uri ng sakit ng ulo. Ang una ay ang tinatawag na tension type headache, pangalawa ay cluster headache at ang pangatlo ay migraine headache.

Ang tension type ay yung nararamdaman mong tila may band na nakatali sa iyong ulo at ang sakit ay madarama sa anit, mukha, leeg at maging sa balikat. Siyam sa 10 sakit ng ulo ay kabilang sa tension type. Nadedevelop ang sakit ng ulong ito dahil sa stress at anxiety.

Ang cluster headaches ay bigla-bigla ang pagsakit sa isang bahagi ng ulo kadalasan ay sa paligid ng mata o sentido at may kasamang pagluluha ng mga mata at nasal congestion. Bagamat walang dahilan kung ano ang dahilan at kung paano magagamot, pinapayuhan ang mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo.

Ang migraine headache ay ang nakaiiritang sakit na kadalasang apektado lamang ay ang kabiyak na bahagi ng ulo bagamat maaari ring apektado ang buong ulo. Bago umatake ang migraine, maaaring magkaroon ng visual at gastro-intestinal symptoms.

Ang migraine ay maaaring umatake kahit na anong edad subalit karaniwang nagkaka-migraine ang mga may edad 10 hanggang 30. Ayon sa statistics, ang migraine ay nawawala kapag ang isang tao ay dumating na sa edad 50.

(Itutuloy)

AYON

BAGAMAT

ITUTULOY

IYON

KAPAG

MIGRAINE

NADEDEVELOP

ULO

UNANG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with