Sabi ni De la Paz, makaaasa ang lahat sa makabagong sistema sa pamamalakad upang lalong masaiayos at mapahusay ang operasyon ng banko sa kanyang pagkaluklok sa puwesto.
Para sa kaalaman ng lahat si De la Paz ay President at Chief Executive Officer ng Social Security System (SSS) na bihasa sa larangan ng International Finance and Accountancy kung kaya makasisiguro ang lahat na sisiw lamang sa kanya ang pagbabagong magaganap sa EPCIBank. He-he-he! Iba na talaga ang bihasa di ba mga suki?
Ika nga ni De la Paz "The bank will move forward in a strong way because we are seeing growth in our economy this year." Suportado rin ni De la Paz ang policy reforms ni President Gloria Macapagal-Arroyo upang higit na mapahusay ang pamamalakad at mapataas ang credit rating ng bansa sa pamamagitan na rin ng dalawang international credit rating agencies.
Ayon kay De la Paz ang lahat ng banko sa kasalu-kuyan ay nagmula sa merger kung kaya lalo silang lumaki at umunlad. "Katulad na lamang ng Bank of the Philippine Island nagmerge sila sa Peoples Bank tapos sa Far East Bank at sa kasalukuyan sa Prudential Bank naman.
"Ang Metro Bank nag-merge rin yan sa Solid Bank tapos sa Asian Bank at Global Trust Bank kung kaya lalong lumaki ang kanilang capital sa pananalapi.
Kung ang pagme-merge ang mabuting paraan upang lalong mapalaki at umasenso ang banko dapat lamang na ayunan ito," sabi ni De la Paz.
Bakit naman tinututulan ang merger ng iba? Merger din ang Equitable at PCIBank noong 1999 kasama ang SSS at GSIS sa pagmerge ng dalawang batikang banko kung kaya higit na lumaki sila. "Kung merger terms ay hindi satisfactory, eh dapat pag-usapan muna ng masusi, huwag namang basta na lamang talikuran at ayawan," diin pa ni De la Paz.
Ang lahat ng usaping ito ay mabibigyan ng masusing atensyon ni De la Paz sa hinaharap at makakaasa ang lahat na magbubunga ito ng magandang produksyon sa larangan ng pananalapi at ang makikinabang ay ang sambayanang Pilipino.