^

PSN Opinyon

Part-timer

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NAGSIMULANG magturo si Mario sa SMU unibersity noong 1992. At mula 1995 bilang Assistant Professor I ay naging Assistant Professor III si Mario. Walang ibang posisyon si Mario sa SMU kundi ang pagtuturo niya ng 12 units. Sa katunayan, bukod sa pagtuturo sa SMU mula 1993 hanggang 1996, nagkaroon din siya ng ibang empleyo. Samantala, hanggang first semester ng schoolyear 1999-2000 na lamang nakapagturo si Mario dahil hindi na siya binigyan pa ng SMU ng teaching assignments. Kaya, naghain si Mario ng reklamong illegal dismissal laban sa SMU.

Ayon kay Mario, simula pa raw noong 1995, maituturing na permanent appointment ang pagiging Assistant Professor niya taliwas man sa isinasaad ng Manual of Regulations for Private Schools. Hindi rin daw siya pwedeng sisihin sa load na 12 units na ibinibigay sa kanya ng unibersidad dahil ang pagpasya sa load assignments pati na ang pagpapaikli sa kanyang probationary period ay tanging nakasalalay sa unibersidad. Bukod dito, pinapayagan daw ng nasabing Manual ang mga full time teachers na magkaroon ng iba pang kapakipakinabang na gawain hangga’t hindi ito makakaabala sa kanilang regular na pasok sa unibersidad. At yamang siya raw ay isang permanenteng empleyado, ilegal daw ang pagkakatanggal sa kanya ng unibersidad dahil hindi man lamang siya nabigyan ng nararapat na abiso. Tama ba si Mario?

MALI.
Ang mga sumusunod ang kinakailangan upang maituring ang isang private school teacher na may permanenteng estado: (1) ang guro ay isang fulltime teacher; (2) nakapagbigay na ng tatlong magkakasunod na taon na serbisyo; at (3) ang ibinigay na serbisyo ay kapuri-puri.

Si Mario ay hindi isang full time teacher dahil hindi niya natamo ang hinihingi ng manual upang maituring na isang full time academic personnel: (a) nagtataglay ng minimum academic qualification; (b) tumatanggap ng sweldo kada buwan o per ora batay sa regular na load ng pagtuturo; (c) may kabuuang isang araw ng pasok na hindi hihigit sa walong oras sa unibersidad; (d) walang ibang kapaki-pakinabang na gawain na makaaabala sa oras ng trabaho sa unibersidad; at (e) hindi nagtuturo ng full time sa ibang unibersidad. Ayon na rin sa DECS, ang regular na full time load ng isang faculty member ay nasa 15 hanggang 24 units kada semestre o taon, depende sa kursong itinuturo. Subalit tulad ni Mario na isang part-timer, gaano man katagal ang ibinigay niyang serbisyo sa unibersidad, hindi niya makakamit ang permanenteng estado.

Batay sa mga nabanggit, walang ilegal na pagtanggal kay Mario. Ang mga part-timer sa pagtuturo ay maaaring tanggalin ng unibersidad kapag natapos na ang kanilang kontrata. Sa kaso ni Mario na walang malinaw na kontrata sa pagitan nila ng unibersidad, ipinapalagay na ang kasunduan nila ay kada semestre o taon. Kaya, kapag natapos na ang isang semestre o taon, walang obligasyon ang unibersidad na magbigay ng teaching load sa bawat isang part-time teacher. Walang paglabag sa karapatan ni Mario nang hindi siya nabigyan ng teaching assignment. Wala ng illegal dismissal sa tulad ni Mario na isang part-time teacher. Ang pagkiling ng timbangan ng hustisya pabor sa paggawa ay hindi dapat na magdulot ng kawalan ng katarungan sa panig ng mga pinaglilingkuran (Saint Mary’s University vs. Court of Appeals, G.R. 157788, March 8, 2005, 453 SCRA 61).

ASSISTANT PROFESSOR

ASSISTANT PROFESSOR I

AYON

COURT OF APPEALS

ISANG

KAYA

MANUAL OF REGULATIONS

MARIO

UNIBERSIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with