^

PSN Opinyon

Seguridad ng GSIS-SSS shares sa EPCIB nasa kamay ni Cora dela Paz

- Al G. Pedroche -
MILYUN-MILYONG kawani na kasapi ng GSIS at SSS ang nangangamba sa pagsasanib ng Equitable PCI Bank (EPCIB) at Banco de Oro (BDO). At di naman natin sila masisisi. Natalakay ko nga kamakailan na kung may malaking banko man na bibili ng sosyo sa EPCIB, hindi ito dapat maging "baratilyo sale" dahil maaapektuhan ang mga maliliit na kawani sa gobyerno at pribadong sektor na kasosyo rin.

In the strictest sense,
hindi dapat katakutan ang merger o integrasyon. Marami sa mga malalaking banko ngayon ay lumago dahil sa integrasyon. Halimbawa, ang BPI na isang matatag at establisadong banko ay nakipagsanib sa People’s Bank. Matapos ito, muling nagkaroon ng integrasyon ang banko sa Far East Bank, and then with Prudential Bank.

Ang Metrobank din ay produkto ng pakikipagsanib sa Solid Bank, Asian Bank at Global Trust Bank, di ba? Ganyan talaga ang takbo sa negosyo kapag lumalago at lumalakas. Madalas, ang pinakamatatag na kompanya ay kumukupkop sa mga mas mahina para lumakas din at makasama sa paglago. Realidad iyan sa pagnenegosyo.

Naging kontrobersyal ang pakikipagsanib ng BDO sa EPCIB dahil may mga nangambang baka lamunin ng BDO ang mga sosyo ng milyun-milyong kawani ng pamahalaan at pribadong sektor na miyembro ng GSIS at SSS. Marahil, ang pangamba’y nakabatay sa situwasyon na bagamat majority stockholder ang gobyerno sa EPCIB, ang mga nagiging chairman nito ay laging mula sa mga pribadong kasosyo. Iba na ngayon ang situwasyon.

But since Cora dela Paz, who is the head of SSS is now the chairman ng EPCIB
, personal niyang siniguro na mapapangalagaan ang saping-puhunan ng mga empleado sa pamahalaan man o pribado. Kung tutuusin, nang sumosyo sa EPCIB ang SSS at GSIS, ito ay isa ring merger.

Kaya nasa kamay ni dela Paz ang pag-iingat sa kapakanan ng mga GSIS at SSS members na may puhunan sa banko. Siya ay hindi lamang kinatawan ng pamahalaan sa korporasyong ito kundi siya pa rin ang inihalal na chairman.

Kung may mga nalalabi pang pagdududa sa pakiki-pag-integrate ng BDO sa EPCIB, dapat lamang na idaan pa ito sa masusing pag-uusap imbes na tutulan agad.

ANG METROBANK

ASIAN BANK

BANK

EPCIB

FAR EAST BANK

GLOBAL TRUST BANK

PAZ

PRUDENTIAL BANK

SOLID BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with