^

PSN Opinyon

Simula ng Kuwaresma

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYON ay Ash Wednesday. Milyun-milyong Katoliko ang nagsisimba at pumipila para pahiran ng abo ang kanilang noo. Habang pinapahiran ng abo sinasabi ng pari ang tao ay mula sa alabok at sa alabok din magbabalik. Ayon sa Catholic Church ang araw na nito ay fasting and abstinence. Bawal ang pagkain ng karne.

Ang fasting ay singkahulugan ng ibayong pagpapakumbaba o self-humiliation. Halaw sa salitang Hebreo na ‘‘ta’anit’’ na ang ibig sabihin ay pagpapakaaba sa sinasabayan ng hindi pagkain at pag-inom, pagsusuot ng damit na sako, pagpapahid ng abo sa ulo at pag-iyak sabay lalahaw sa mga relihiyosong seremonya. Ang pag-aayuno ay sumisimbolo rin sa paghingi ng tawad sa Diyos at taus-pusong pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.

Maging si Jesus ay nag-ayuno rin sa loob ng 40 araw at gabi bago Niya sinimulan ang kanyang public ministry. Sa loob ng panahong iyon ay tinukso Siya ng diyablo subalit itinaboy siya ni Jesus na nagwika na ang tao ay hindi lang sa tinapay nabubuhay at hindi dapat na pangunahan ninuman at walang dapat sasabihin kundi ang Diyos – na makapangyarihan sa lahat.

ASH WEDNESDAY

AYON

BAWAL

CATHOLIC CHURCH

DIYOS

HABANG

HALAW

HEBREO

KATOLIKO

MILYUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with