^

PSN Opinyon

Tigilan na ang panggugulo

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
GRABE na ang gulo sa kaharian ni Monkey Queen. Nag-umpisang kumilos ang ilang mga opisyal ng military at nagmartsa naman ang mga mamamayan na nais sanang gunitain ang People’s Power na matagumpay at mapayapa nilang nilunsad 20 taon na ang nakararaan.

Bilang tugon naman ay pinaaresto ni Monkey Queen ang isa sa mga heneral na nais lamang sumama sa martsa ng mga taong gugunita sa anibersaryo ng People’s Power na hinangaan ng mundo.

Hindi rin pinayagan na lumabas ng kanilang kampo ang ilan pang mga opisyal ng military na pinaghihinalaan niyang kakampi ng naturang heneral at nais maki-join sa selebrasyon at mag-martsa.

Hindi pa nakuntento roon, nagdeklara siya ng state of emergency at nagbantang ipakukulong ang sinumang lalaban sa kanya o magbubulgar ng katiwalian ng kanyang administrasyon.

Pinagbawal din ni Monkey Queen ang anumang rally at kahit na sinong tao ang makitang naglalakad sa kalye na magkasama ay tinatanong at pagkatapos ay pinaghihiwa-hiwalay.

Ultimo dalawang taong namamasyal ay uutusan na umuwi na ng bahay kung ayaw makatikim ng pamalo ng mga pulis na patuloy na nagpapakatuta sa administrasyon ng small but terrible na Monkey Queen.

Marami ring mga kilalang kritiko ng Monkey Queen ang pinaaresto agad-agad samantalang marami pang iba ang pinaha-hunting dahil ayaw daw tumahimik at patuloy na sumisira sa kanyang administrasyon.

Ang ilang diyaryong panay ang banat sa kanyang administrasyon ay tinake-over ng kanyang hepe ng Police at Master ng Chain of Collection na napakahilig sa publisidad noong araw dahil nais palang maging publisher o editor.

Ang mga radio at telebisyon naman ay pinagbabantaan naman na sasarhan kung ilalabas ang mga negatibong bagay tungkol sa kanya dahil lubos daw nakakasira sa ekonomiya ng kanyang kaharian ang anumang masamang balita lalo na pag tungkol sa dayaan, nakawan at kasinungalingan.

Dahil sa mga pangyayaring yan ay muling natuon ang attention ng buong mundo sa kaharian ni Monkey Queen.

Ang mga pahayagan, radio at telebisyon naman ay binigyan ng matinding warning sa katauhan ng boylet niyang may eczema sa bibig na huwag maglalabas ng anumang negatibo tungkol sa kanila dahil ito raw ay destabilization.

Magulung-magulo ang kanyang kaharian, lalo na at katatapos lang ng sunud-sunod na trahedya na dala raw ng kamalasang baon ng isang babaing may malaking nunal sa mukha ayon kay Ingkong Lam-A Hatla, kaya ang sangkatauhan ay nakatuon na naman ng pansin sa kanila na lubos na kinagagalit ni Monkey Queen.

Katwiran niya, kagagawan ng mga nanggugulo ang mga suliranin ng bansa at dahil diyan ay napipigil nila ang patuloy na asenso at pagbagsak ng halaga ng kanilang salapi kung ikukumpara sa pera ng mga karatig bansa.

Hindi raw niya titigilan ang panunupil sa kanyang kritiko at pagganti sa mga kalaban na wala na raw alam gawin kung hindi sirain ang kanyang mga magagandang plano para sa kanyang kaharian.

Punumpuno na raw siya sa mga walanghiyang mga taong ito dahil wala raw silang inisip kung hindi asikasuhin ang kanilang sariling kapakanan. Hindi raw naisip ng mga destabilizers ang mga magagandang nagawa niya para sa kaharian at sangkatauhan bukod pa sa walang kakayahan ng kahit sino sa kanila na magpatupad ng anumang programa para matugunan ang kaunlaran ng kaharian.

"Bakit ayaw ba nila akong tigilan, hindi ba nila nakikita na umaasenso ang kaharian," tugon ni Monkey Queen sa tanong ng isang reporter tungkol panibagong pag-aaklas laban sa kanya.

"Kung hindi sa akin mababalik ba ang atensyon ng buong mundo lalo na ng sangkatauhan sa kahariang ito? Ayaw pa nila noon, libreng advertising tayo sa lahat ng malalaking international networks gaya ng CNN, BBC, NBC, Channel News Asia at sa mga international newspapers gaya ng Washington Post, New York Times at malalaking international Magazines gaya ng Newsweek at Times? Kaya ba nila yon?" galit na galit na tanong ng Monkey Queen.

"Bah, kinikilala na tayo sa buong mundo, palibhasa wala silang alam tungkol sa economics. Puro kasi sila daldal, lahat nang ginagawa ko para sa kaharian para makilala pero andyan sila walang ginagawa kung hindi manggulo," dagdag pa ni Monkey Queen.

"Ang katotohanan, matindi ang sakripisyo ko para sa kanila, lahat ginagawa ko para makilala ang kaharian. Hayan at makibangko ako sa Queen of England para maalala niya ang kaharian ko, magpagawa ng kalye na pinakamahal sa buong mundo, magkaroon ng bagong imbensyong fertilizer na epektibo sa semento, magpagawa ng tulay na puwedeng diving board sa putikan sa palay, mamili ng bahay na halagang P300 milyong sa Ascott, England, building sa San Francisco, Palasyo sa Spain at ultimo anak ko ay inutusan kong magpagawa ng P 35 million na bahay malapit sa tinutuluyan ko para makita nilang mayaman tayo at marami pang iba, ngayon masama pa ako? Sumosobra na sila," diin ng Monkey Queen.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

CHAIN OF COLLECTION

KAHARIAN

KANYANG

MONKEY

MONKEY QUEEN

PARA

QUEEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with