Sa state of emergency, kasama ba ang mga corrupt?
February 28, 2006 | 12:00am
NAKATUTUWA ang usapan ngayon sa Bureau of Customs at Bureau of Immigration tungkol sa isyu ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo regarding sa idineklara niyang state of emergency.
Tanong nila, kasama ba ang mga corrupt at super corrupt sa Bureau of Customs at Immigration?
Siguro dapat ding lusubin ng kapulisan at militar ang mga haybol ng mga corrupt sa bureau na super yaman ngayon para kumpiskahin ang ninakaw nila sa gobyerno. Ika nga, bawiin ang mga ninakaw ng mga kamote!
Sa liit ng salary ng mga corrupt ay nakapagpundar ang mga gago ng mansion houses, resort, expensive vehicles at nakakapag-maintain pa ng other woman. Diyan lang sa BoC, isang "Singsing" ang yumaman nang todo dahil sa padrino niyang isang lawmaker.
Sa Immigration naman, wala pa ring tatalo kay "pambol" no. 1 sa hidden wealth at sa mga bebotsky. Medyo lumamig na kasi ang kampanya ng lifestyle check ng ating gobyerno. Sabi nga, naging busy sila masyado sa Politics!
Hindi lang sa mga kompanya ng dyaryo, telebisyon at radyo ang dapat bantayan o tiktikan ng kakampi ni Prez Gloria kundi maging mga magnanakaw sa gobyerno ay dapat ding ikulong. Patas ang dating sa state of emergency! Ika nga, sampolan sila!
"Political will lang ang kailangan para matigil na ang mga kagaguhan ng mga gumagago sa gobyerno," sabi ng kuwagong retired Boy Scout.
"Dapat ding iwasan ang masyadong pulitika para gumanda ang takbo sa Pinas lalo ngayong saksakan ng daming investors ang nagtitiwala sa atin," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Dapat iutos ni Prez GMA sa kanyang mga guwardiya sibil na tirahin at ikulong ang mga corrupt sa gobyerno," naiinis na sabi ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Dapat nga, kamote, sampolan sila ngayon habang mainit ang state of emergency issue!"
"Tumpak!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended