Nagagalit ba ang Diyos?
February 26, 2006 | 12:00am
Marami ang nagsasabing nagagalit daw ang Diyos
Kung kaya ang mga tao sa daigdig nauubos;
Ang trahedyat kalamidad na sa mundoy dumadagok
Itinuring ng marami na parusa sa sinukob!
Ah sa US ang twin towers sa Nueva York pinabagsak
Libu-libong mga tao ang nasaktan at nautas;
Sa Great Britain pinasabog terminal ng mga bus
At doon ay kay dami ring mamamayan ang natodas!
Sa Bangladeh ay bumaha at libo ang napalungi,
Sa Iraq ay patuloy pa na maraming nasasawi;
At dito sa Pilipinas may trahedyat calamity
Na tumama kaya tayoy nakalublob sa pighati!
Kung kaya sa ating bansa ang trahedya ay naganap
Nang sa kinang ng salapi ay marami ang naghangad;
Kalamidad ang isa pa na sa atiy nagpahirap
Nang sa Quezon at sa Leyte ay maraming nangautas!
Ang Diyos ay di marunong magalit at magparusa
Pagkat Siyay Amang tunay na laging kumakalinga;
Kaya tayo sa daigdig kadalasan ay masaya
Pagkay tanging hangad ng Diyos tayong lahat lumigaya!
Kaya tayoy hindi dapat na mag-isip ng taliwas
Sa gawain at hangarin ng Diyos na lumilingap;
At sa halip ang isipin: Kaya tayoy nanlalagas
Sa dami ng kasalanan na sa basoy lumiligwak!
Mayron tayong kasabihan: Kapag puno na ang salop
Ang sumobrang mga bigas atin itong kinakalos;
Tayo na ring mga tao sa trahedyay pumapasok
Para tayong gamugamong sa liwanag natututpok!
Pero itoy hindi gawa ng Diyos na maawain
Kundi itoy kamaliang ang may likhay tao na rin;
Away dito away doon ang gobyern at NPA
Tayu-tayong mga Pinoy iba-iba ang damdamin!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest