Napagkasunduan ng buong BITAG Investigative Team at Bahala si Tulfo staffs na gawing Miyerkules na ang araw ng pagtanggap namin ng mga nagrereklamo sa aming action center.
Ito ay sa kadahilanang nais naming maging higit na epektibo at maayos ang aming sistema sa larangan ng paglilingkod.
Napili namin ang araw ng Miyerkules upang mabigyang daan at sapat na panahon ang malalaking operations na nakabinbin sa listahan ng BITAG.
Gayunpaman, wala pa ring nagbago sa sistema ng aming pagtulong at paglilingkod. Nais lang naming bigyang diin ang mga kuwalipikasyon ng mga reklamo at tips na aming tinatanggap.
Binibigyang halaga ng BITAG at Bahala si Tulfo ang mga kasong kinasasangkutan ng panloloko, panlilinlang, pananamantala at pang-aabuso.
Interesado kami sa mga tips at impormasyon ukol sa mga kilos ng mga tiwali at sindikato sa likod ng mga modus operandi at iligal na aktibidades.
Kung kayoy mga saksi o biktima ng alinman sa aming nabanggit, maaaring dumulog sa aming tanggapan upang IPABITAG!
Uulitin ko lamang para sa kaalaman ng lahat, Miyerkules na ang araw ng serbisyo publiko ng BITAG mula ika-9 ng umaga hanggal alas-4 ng hapon.
Sa araw na to lamang kami tatanggap ng mga complainants at tipsters para sa ikaaayos ng aming schedule at operations.
Maaari pa rin naman kaming tumanggap ng inyong mga reklamo, tips at impormasyon sa pamamagitan ng aming mga hotlines na nakasu- lat sa ibaba ng kolum nato.
Hindi ito ang magiging daan ng mga sindikato at tiwali sa kapaligiran para ipagpatuloy ng malaya ang kanilang mga katarantaduhan.
Maagap at nananatiling dilat ang aming mga mata at pandamdam sa inyong mga aktibidades.
Kami pa rin ang BITAG na patuloy na magpapasikip ng inyong mga mundo!