EDITORYAL - Batas na nagbabawal sa pagtotroso, ipasa na!
February 23, 2006 | 12:00am
HINDI nakapagtataka kung ang nangyaring pagguho ng bundok sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte ay maulit at mas marami pa ang malibing nang buhay. Mas lalong nakatatakot at nakapangingilabot ang mangyayari sapagkat baka ang buong bundok ay tuluyang maguho dahil sa ginawang pagwasak ng mga legal at illegal loggers. At lalo pang magiging matindi ang pagguho ng lupa kung hindi mapipigil ang pagdagsa ng mga mining companies sa bansa.
Sunud-sunod na ang mga nangyaring landslides at flashfloods. Noong November 2004 ay grabeng pagbaha at pagguho ng lupa ang nangyari sa Real, Infanta at Gen. Nakar, Quezon at ganoon din sa Aurora province.
Noong December 2005 grabe rin ang naranasang pagbaha sa Calapan City, Naujan, Victoria, Socorro at Pinamalayan sa Oriental Mindoro. Nawasak ang dam dahil sa sobrang pagbaha.
At ngayong 2006, ang Southern Leyte naman ang tinamaan. Sabagay, ang lugar na nabanggit ay madalas nang dinadalaw ng kalamidad. Ang Ormoc City ay grabeng tinamaan ng flashfloods noong Nov. 5, 1991 na ikinamatay ng 2,000 katao. Ilang araw bago maganap ang pagguho ng lupa sa Bgy. Guinsaugon, nagkaroon din ng landslide sa Zamboanga del Sur kung saan 10 katao ang nalibing ng buhay.
Ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming lugar sa bansa ay nangyari sapagkat wala nang mga punongkahoy na pumipigil sa lupa at sumisipsip sa tubig. Wala nang mga punongkahoy at maski ang mga ibon ay wala na ring madapuan. Inubos na ng mga loggers at kaingineros.
Pero ang sabi ng gobyerno hindi ang mga loggers ang dapat sisihin kundi ang walang tigil na pag-ulan. Hindi nakayanan ng lupa sa Bgy. Guinsaugon ang maraming tubig kaya nabiyak ang bundok at umagos ang putik, bato at lupa.
Pero kung ang matagal na pag-ulan ang sisisihin, hindi bat talaga namang matagal ang pag-ulan sa Pilipinas lalo pa nga kung buwan ng Hunyo hanggang Setyembre. Bakit naging sunud-sunod ang pag-landslide sa maraming bahagi ng bansa. Ibig bang sabihin ay dahil sa pag-ulan?
Para sa amin, hindi ang grabeng pag-ulan ang numero unong dahilan ng pagguho ng lupa kundi ang pagkakalbo ng mga kagubatan. Wala nang mga ugat ng puno na pumipigil sa lupa at tubig.
Kung maipapasa ang batas sa tota log ban, ito na marahil ang kasagutan sa problema.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended