^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Panahon na para puspusang ipatupad ang Clean Air Act

-
TIYAK na mga illegal loggers ang pagtutuunan ng pansin ni bagong Environment Sec. Angelo Reyes makaraang magkaroon ng landslides sa Southern Leyte noong Biyernes. Mauungkat ang pagkakalbo ng kagubatan sa nangyaring landslides.

Pero sana naman, mapagtuunan din ng pansin ni Reyes ang hindi naiimplement na Clean Air Act. Kung hindi maipatutupad, marami rin ang mapipinsala dahil sa paglanghap nang nakalalasong hangin partikular sa Metro Manila.

Sabi ng dating DENR Sec. Michael Defensor si Reyes daw ang tamang tao sa departamento. Dahil daw sa lawak ng karanasan nito sa military, madali nitong madadakma ang mga illegal loggers, illegal miners at maiimplement ang Clean Air Act.

Isa sa magandang nabanggit ay ang pag-iimplement ng Clean Air Act at harinawang magkatotoo ang sinabi ni Defensor tungkol kay Reyes na magagampanan nito nang maayos ang pangangalaga sa kapaligiran. Sana nga ay maging kakaiba si Reyes sa mga humawak sa departamento. Sana nga ay mayroon siyang tapang at lakas ng loob para maipatupad ang Clean Air Act of 1999. Anim na taon na ang nakalilipas nang isabatas ang Clean Air Act pero hanggang ngayon ay wala pang nakikitang pagbabago sa kalidad ng hangin partikular sa Metro Manila. Ang mga naninirahan sa Metro Manila ay nasa panganib na magkaroon ng iba’t ibang sakit kung hindi masosolusyunan ang grabeng air pollution.

Walumpong porsiyento ng grabeng pagkalason ng hangin ay dahil sa mga ibinubugang usok ng mga kakarag-karag na sasakyan. Mga bulok na ang mga sasakyang nagyayaot sa mga kalye pero patuloy pa ring ipinapasada. Nakasaad sa Clean Air Act na ang mga sasakyang luma at nagbubuga ng maitim na usok ay ipagbabawal na. Bawal din ang paggamit ng incinerators, at mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga basura. Ang pagsisiga ay nakatutulong para lumubha ang air pollution.

Marami ang umaasa kay Secretary Reyes at hindi niya dapat biguin ang mga umaasang magkakaroon pa ng kalidad ang hangin. Walisin ang mga smoke belchers sa kalsada. Sila ang nagdudulot ng 80 porsiyento ng air pollution. Dahil sa ibinubugang may lasong usok kaya maraming maysakit. Tuparin ang sinabing poprotektahan at ililigtas ang kapaligiran.

vuukle comment

AIR

ANGELO REYES

CLEAN AIR ACT

DAHIL

ENVIRONMENT SEC

METRO MANILA

MICHAEL DEFENSOR

REYES

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with