^

PSN Opinyon

Souvenir ng Monkey Queen

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAGWALA nang husto ang Monkey Queen nitong nakaraang ilang araw. Masyadong palaban at nilabas lahat ang nakakimkim na taray. Pinakita ang tunay na ugali na tinatago niya dati bilang Ate Gorilla pero nilalabas na ngayon at dinagdagan pa ng yabang at hangin dahil sa suportang binigay sa kanya ng ilang mga puting unggoy na patuloy na nagpapautang sa kanya pero binabaon naman lalo ang mga taong nasasakupan niya.

Lantaran niyang tinawag ang mga senior leaders ng sangkatauhan na mga "destabilizers" at kalaban ng kanyang administrasyon dahil pilit daw iniimbestigahan ang mga anomalyang kinasasangkutan niya, ng kanyang mga kaPamilya, kaPuso, kakampi, kaalyado, kaPartido, kasangga, kasabwat, kakutsaba, mga alipores, tuta at mga linta na nakapaligid sa kanya

Nagngingitngit siya dahil wala raw katotohanan ang mga anomalyang nahahalungkat kagaya ng patuloy na pangungurakot, pagpapalaganap ng sugal at higit sa lahat ang pandarayang ginawa noong nakaraang eleksiyon. Todo deny siya dahil para nga naman sa mga mayayamang katulad nila lalo na sa kaugalian ng mga primates ay hindi pagnanakaw yon kung hindi pagkuha ng souvenir. Sa mahihirap lang daw at sa mga tao ang pagnanakaw kung kumuha ng hindi sa kanila.

Ginigiit ng kanyang Kamahalan Monkey Queen na kalimutan na lahat ang mga isyung ito at magkaisa na raw upang umunlad daw ang bayang kanyang nasasakupan. Bilang kapalit, handa naman daw siyang bigyan ng magagandang posisyon ang mga leader ng taong kakampi sa kanya at magtatraydor sa sambayanan.

Pinasabi niya sa kanyang mga kalaban na huwag alalahanin ang mga mahihirap at dukhang tao dahil sanay naman daw sa hirap ang mga ito. Isa pa, ayon sa kanyang boylet, na sabi ng idol kong si Ka Lor ay may eczema sa labi, ay sagot ito sa problema ng patuloy na paglaki ng populasyon. Kung marami nga naman ang mamamatay ay mababawasan ang suliranin sa populasyon.

Sa ngitngit niya, nadulas pa ang Monkey Queen at sinabing alam niyang marami ang ayaw na sa kanya pero wala naman daw magagawa ang sangkatauhan lalo na at nabigyan pa siya ng pasadong grade ng mga White Monkeys na may hawak ng mga sanglaan sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sabagay hawak nga niya ang mga military leaders na sipsip at linta o di kaya’y patuloy na nakikinabang sa kanya.

"Puro sila pulitika, kesa kampian nila ako, inaaway nila ako. Bakit, may ipakakain ba sila sa mga taong mahihirap, may trabaho ba siyang maibibigay, wala, ako may plano ako, my political will ako," diin ng small but terrible na Monkey Queen.

Tama nga naman siya, dati rati galunggong ang kinakain ng tao, tapos sardines, ngayon instant noodles na lang at malapit nang mantika at toyo na lang. Ayos, sakit sa puso at sa bato ang aabutin ng karamihan. Kung wala namang panggamot, di shutay na at solusyon uli sa population problem.

Pagdating naman sa trabaho, sa tindi ng ginagawa ng Monkey Queen ay tiyak lalong mapipilitang umalis ang mga tao at magtrabaho sa ibang malalayong kaharian.

Sa ganoong paraan, ultimo mga doctor, nurses, piloto, teachers at iba pang professional ay lilisan ng kahariang sinasakluban ng dilim at matutuwa ang mga bansang pupuntahan nila dahil mas maliit ang suweldo at marami pa silang pakikinabangang talino.

Matindi kasi ang diplomatic solution niya at siyempre sa ganoong paraan ay gaganda pa ang ekonomiya dahil pasok ng pasok ang dolyar. Hindi bale kung magkakahiwalay ang mga tao dahil mas mabuti ito at kung nasa malayo ang mga may utak at mas madaling supilin ang kanilang pamilya at maiwasan ang mga plano kung paano siya patatalsikin.

Tungkol naman sa kinita nila, sobra na kayo, ilang bilyon lang ang kinukuha sasabihin n’yong nagnanakaw. Ilang tawag lang sa ka-phone pal niya sasabihin niyong nandaya. Ilang milyon lang ang mga bahay na pinamili sa ibang bansa sasabihin n’yong kinurakot.

Di ba kayo makaintindi, souvenir yon, SOUVENIR!!! Mahirap lang ang nagnanakaw. Ang mga mayayaman at nag-aral sa ibang bansa ay matapat, makabayan, makatao at higit sa lahat hindi mandaraya!
* * *
Gaya ng dati, ang kuwentong ito ay parang Bato Bato sa Langit, pero ang Tamaan Tiyak Sapol. Kung sinuman ang naniniwalang sila ang pinatutungkulan nito, umaamin siguro kayo na isa kayong matsing, unggoy, kasabwat, tuta, linta o sipsip at definitely GUILTY. Kung tablan kayo, natural lang yon dahil masakit at mapait talaga ang katotohanan. Aray! Ouch! Aaw!
* * *
Para naman dito sa isang mahilig mag-text sa akin na cell phone number 09183544898 na tumitindi ang galit pag nabibigyan ko ng pansin si Madam Senyora Donya Gloria, puso mo, huminahon ka at baka atakihin.

Tandaan mo hindi mo madadala sa hukay ang yaman, pera o ari-arian. Tsaka hindi ka naman siguro guilty o kaya’y tinatamaan ng bato kaya cool ka lang. Sabi mo nga lagi pagkatapos mo magmura, he-he-he!!!
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

ATE GORILLA

BATO BATO

DAHIL

KUNG

LANG

MONKEY QUEEN

NAMAN

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with