JDV, Prime Minister na?
February 18, 2006 | 12:00am
MUKHANG sangdamukal ang nangangarap na gising para itulak sa kumunoy, este mali, sa pagiging Prime Minister pala si House Speaker Jose de Venecia dahil up to now, iginigiit pa rin nila ang Charter change.
Ilang times nang sinabi sa Senado, kapag ang isinusulong na panukala ay dumating sa kanilang kaharian, ito ay dead-on-arrival! Sabi nga, nakapasok na sa kabaong at hindi na puwedeng paglamayan pa.
Kaya lang ang mga alipores ni Joe ay dehins pa nawawalan ng pag-asa para isulong ang Cha-cha kahit na sa palagay ng nakakarami ay magkakaroon ng political crisis kapag iginiit toits. Wala namang tutol ang ilang pulitiko para amyendahan ang Constitution pero gusto nilang gawin ito sa pamamagitan ng Constitutional Convention. Dahil sa CON-CON, ang mga members ay iboboto ng madlang people.
Hindi ba mas maganda ito dahil ang mga botante ang boboto kaysa ang mga pulitikong magkaka-kampi ang mamimili ng uupo sa round table? Sabi nga, pitsa-pitsa lang ang mangyayari.
Sabi nga, ang CON-CON para sa kanila ang legal na paraan at dehins ang Constituent Assembly o CON-ASS. Hindi ass hole, ang pinag-uusapan kundi ang batas na pakikinabangan ng bayan.
Matagal na kasing pangarap ni Joe ang maluklok para maging King sa Pinas pero up to now mukhang lumalabo ang kanyang pag-asa dahil sangkatutak ang kumokontra sa kanila. Sabi nga, walang kaseryosohan sa madlang people.
Sa madaling salita, ayaw kay Joe ng Noypi sa kanyang pangarap na posisyon kung mayroon man. Totoo bang wala, Joe?
Tama na siguro ang maging congressman at Speaker of the House ka dahil toits ang forte mo pero ang maging Prime Minister ay marami ang nagtatawa kasi mukhang malabo pa sa tubig ng pusali.
Kung ipagpapatuloy mo ang iyong panaginip, baka isang araw ay sa kangkungan ka pulutin o kaya bangungutin ka pa. He-he-he! Huwag naman sana!
Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na love for the country ni Joe ang Noypi dahil gusto niya itong bigyan ng panibagong buhay. Sabi nga, iahon sa kahirapan. Pero ang masama, wala pa ring naniniwala sa kanyang mga ginagawa. Ika nga, talagang trapo ang dating ng madlang people kay Joe. Naku ha?
Kung ipipilit ng ilang pulitiko ang kanilang gusto, tiyak magkakawatak-watak ang Noypi at malamang mauwi ito sa rebolusyon. Patay na ang mga rebolusyunaryo noong panahon pa ng Kastila kaya imposibleng bumangon pa sila sa kanilang puntod para lamang muling lumaban. Hayaan na natin silang manahimik.
Kung paggigiitan nila ang peoples initiative saan nila kukunin ang pondo para todits?
"Mabahiran kaya ng pulitika ang isinusulong na Cha-cha?" tanong ng kuwagong rebolusyonaryong kasama ni Gat Andres Bonifacio.
"Ang isyu todits ay ang pagpapalawig ng kanilang mga termino?" sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Ano ang mabuting gawin para hindi mag-away-away ang mga magkakalabang pulitiko?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Sa Supreme Court dapat dalhin ang isyu para maiwasan ang political crisis," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May pansariling interes ba ang ilang pulitiko?"
"Hanggang ngayon pa ba bobo ka pa rin, kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended