Isang larawan ng mabuting pagkakaisa sa panig ng katarungan at katotohanan ang gusto lang naming ipakita kay Gen. Pete Bulaong ng Manila Police Department (MPD).
Wala sa estilo ng BITAG na makipag-away sa mga nakatataas at maaaring kabilang ka na run.
Nagsimula ang malalimang pagkakakilanlan namin sayo general, nang itawag ko sayo ang pang-aabuso at pananakot ng "tao" mo sa MPD-Station 5.
Inilapit namin sayo ang kanyang pananakot at pagbabanta sa biktima ng "hulidap" na naipalabas na namin sa BITAG.
Pero imbes na ipatawag mo, para magkaron ng patas na imbestigasyon, mukhang mas gusto mo pang ipagtanggol at pagtakpan ang iyong "tao".
Huh! Hindi ko masisisi ang mga biktima kung bakit sa BITAG sila lumapit upang humingi ng tulong at hindi sayo
Gen. Bulaong, ang TIWALA na tulad ng RESPETO, ay nakakamit base sa resulta ng iyong ginagawa.
Mabuti pa si Gen. Vidal Querrol na mataas pa sayo, marunong makinig at aksyon agad sa reklamo.
Ang gusto lang kasing makita ng BITAG ay kung paano ang proseso ng iyong pag-iimbestiga kay Sarhento Cenon Parungao na nananakot at nagbabanta sa mga biktima.
E ang problemay puro pangako lang ang nahihita sayo ng BITAG. Ipakita mo muna samin na yang mga pangako mo na yan ay mapagkakatiwalaan.
Wala pa kasi kaming nakikitang hakbang na ginagawa mo para kami ay magtiwala sayo, magpakitang gilas ka na- man !
Mas rerespetuhin pa ng BITAG ang may kokonting estrella da-hil sa resulta ng kanyang mga ginagawa kaysa sa pinunong puno na ng estrellas sa kanyang balikat pero wala namang nagagawa.
Isa pang mensahe Gen. Bulaong, pano magtitiwala ang mga biktima sa isang pinuno kung ang kanyang mga tauhan ay pindeho ng kanyang tanggapan.
Inuulit namin, ang tiwala ay nakakamit, at hindi pinagkakaloob!
Kamtan mo ang tiwala ng BITAG!