^

PSN Opinyon

Ang tiwala ay nakakamit, hindi ipinagkakaloob!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
TIWALA at respeto, eto ang ilan sa mga dahilan kung bakit laging kasama ng BITAG ang mga alagad ng batas sa aming mga operasyon.

Isang larawan ng mabuting pagkakaisa sa panig ng katarungan at katotohanan ang gusto lang naming ipakita kay Gen. Pete Bulaong ng Manila Police Department (MPD).

Wala sa estilo ng BITAG na makipag-away sa mga nakatataas at maaaring kabilang ka na ‘run.

Nagsimula ang malalimang pagkakakilanlan namin sa’yo general, nang itawag ko sa’yo ang pang-aabuso at pananakot ng "tao" mo sa MPD-Station 5.

Inilapit namin sa’yo ang kanyang pananakot at pagbabanta sa biktima ng "hulidap" na naipalabas na namin sa BITAG.

Pero imbes na ipatawag mo, para magkaro’n ng patas na imbestigasyon, mukhang mas gusto mo pang ipagtanggol at pagtakpan ang iyong "tao".

Huh! Hindi ko masisisi ang mga biktima kung bakit sa BITAG sila lumapit upang humingi ng tulong at hindi sa’yo…

Gen. Bulaong, ang TIWALA na tulad ng RESPETO, ay nakakamit base sa resulta ng iyong ginagawa.

Mabuti pa si Gen. Vidal Querrol na mataas pa sa’yo, marunong makinig at aksyon agad sa reklamo.

Ang gusto lang kasing makita ng BITAG ay kung paano ang proseso ng iyong pag-iimbestiga kay Sarhento Cenon Parungao na nananakot at nagbabanta sa mga biktima.

E ang problema’y puro pangako lang ang nahihita sa’yo ng BITAG. Ipakita mo muna sa’min na yang mga pangako mo na ‘yan ay mapagkakatiwalaan.

Wala pa kasi kaming nakikitang hakbang na ginagawa mo para kami ay magtiwala sa’yo, magpakitang gilas ka na- man !

Mas rerespetuhin pa ng BITAG ang may kokonting estrella da-hil sa resulta ng kanyang mga ginagawa kaysa sa pinunong puno na ng estrellas sa kanyang balikat pero wala namang nagagawa.

Isa pang mensahe Gen. Bulaong, pa’no magtitiwala ang mga biktima sa isang pinuno kung ang kanyang mga tauhan ay pindeho ng kanyang tanggapan.

Inuulit namin, ang tiwala ay nakakamit, at hindi pinagkakaloob!

Kamtan mo ang tiwala ng BITAG!

vuukle comment

BITAG

BULAONG

INILAPIT

INUULIT

MANILA POLICE DEPARTMENT

PETE BULAONG

SARHENTO CENON PARUNGAO

VIDAL QUERROL

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with