^

PSN Opinyon

Maling solusyon sa problema

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Upang matugunan ang problema ng trapiko sa lungsod ng Lucena, ipinasa ang ordinansa bilang 1778 na nagbabawal sa mga pampasaherong jeep at mini buses na pumasok sa siyudad. Ipinagbabawal din na magkaroon ng terminal sa loob ng siyudad maliban sa Lucena Grand Central Terminal (LGCT) kung saan ang eksklusibong prangkisa nito ay ginawad ng Sanggunian. Isa sa mga apektado sa ordinansang ito ay ang JLI na mayroong terminal sa loob mismo ng siyudad. Kaya naghain ng petisyon ang JLI na pagbawalan ang lungsod sa pagpapatupad ng ordinansa dahil aniya ito ay walang kabuluhang paggamit ng police power. Tama ba ang JLI?

TAMA .
Halintulad sa Estado, ang pamahalaang lokal ay maaring gumamit ng kapangyarihan ng pulisya (police power) kung may sumusunod na pangangailangan: (1) alang-alang sa interes ng publiko na kailangang pahimasukan para na rin sa kanilang kabutihan; at (2) naaayon at makatwiran na pamamaraan upang matugunan ang problema na hindi magpapahirap sa kaninuman. Sa kasong ito, ang oridnansa ay ipinatutupad upang maresolba o magkaroon ng solusyon ang trapiko sa lungsod ng Lucena.

Ang kaayusan at solusyon sa problema ng trapiko. Kaya ito ay para sa pampublikong interes.

Ngunit hindi makatuwirang pamamaraan na ipasara ang mga terminal ng bus na nasa loob ng lungsod at gamitin ang istasyon ng LGCT bilang terminal nila. Ang hinihingi lamang sa problemang ito ay mabigyan ng solusyon at maayos ang trapiko sa lungsod at hindi ang pagsara at pagtanggal ng mga terminal. Kung tutuusin, hindi naman matutugunan ang problema sa trapiko kung papasara ang mga terminal.

Ang walang kaayusan sa pagsakay at pagbaba ng mga tao sa pampasaherong sasakyan ang madalas na nagiging dahilan upang magkaroon ng trapiko sa isang lugar. Masyadong mabigat ang hinihingi ng ordinansa na kahit pa mayroong terminal na maari pang gamitin maliban sa LGCT. Dapat sana’y nagtakda lang ito ng mga tamang alituntunin sa paggamit ng terminal. Karagdagan pa rito, kung ang LGCT lang ang maaring gamiting terminal, siguradong may mga babayaran tulad ng upa, terminal fees at iba pang singilin na magdudulot ng pa-sakit sa isang indibidwal.

(Lucena Grand Central Terminal Inc. vs. JAC Liner, Inc. G.R. 148339, February 23, 2005, 452 SCRA 174).

DAPAT

HALINTULAD

IPINAGBABAWAL

ISA

KAYA

LUCENA

LUCENA GRAND CENTRAL TERMINAL

LUCENA GRAND CENTRAL TERMINAL INC

TERMINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with