^

PSN Opinyon

Si Chairman Viray naman!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SINUSPINDE ni Pasig City Mayor Enteng Eusebio si Sto. Tomas Barangay Chairman Jess Viray dahil sa tindi ng bentahan sa shabu ‘‘wet market’’ sa Barangay Mapayapa, Pasig City, ilang hakbang ang layo sa munisipyo.

Ang problema binuweltahan ni Viray ang mga kaparakan ng Pasig dahil matagal na raw niyang ingini- nguso ang mga ito sa lespu pero alaws aksyon. Sabi nga, ang kanta ni Chairman ay dehins pinatulan ng mga lespiak.

Kung inisnab ng mga kaparakan si Viray sa ginawa niyang pagtsu-tsu sa shabu wet market ano ang kanyang ginawa? Kinalampag ba niya si Mayor Enteng regarding this matter?

Sa tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO, DEHINS kasi mahigit dalawang taon na palang nagkakaroon ng orderan ng shabu sa wet market. Siguro naman hindi natutulog si Chairman ng two years dahil siya ang burungoy este mali barangay pala dito tapos ngayon magtuturo ito ng mga alagad ng butas na alaws ginawa. Tapos ngayon ay naghahanap siya ng damay!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may anim na barong-barong lamang ang nakatayo sa lupang tinirikan ng shabu wet market noon. Ang nasabing lugar ay notorious sa pagtutulak ng droga kasi noon may natimbog na todits ang mga agents na PDEA malaking bulto raw ang nakuhang bo-shab todits. Pero mukhang napabayaan ni Viray ang lugar dahil sangkaterba ang nagtayo ng barong-barong ngayon dito at nai-convert ang lupang tinirikan sa shabu wet market.

Sino kaya ang nangungumisyon sa tulakan ng shabu? Imposibleng alaws?

Wala bang mga residente sa lugar na nagrereklamo sa Barangay regarding sa monkey business ng mga pusher sa shabu wet market?

Impossible, di ba? May aksyon ba sa mga nagrereklamo?

Wala hindi ba!

Pasalamat tayo at may PNP Director Marcelo Ele Jr., ng AIDSOTF ang nakaamoy sa alingasaw ng bo-shab? Kung hindi sangdamukal na residente sa Barangay Mapayapa ang patule este mali patuloy pala na nagti-tripping ngayon. Sabi nga ni John Lennon, Lucy in the Sky with Diamonds!

Nakakaawang tingnan ang mga nasungkit ni Ele parang mga sira ang ulo naglilimahid sa dumi at bantot. Ika nga, parang mga taong grasa.

Pati ang mga nakapaligid todits ay dehins na makausap ng matino dahil sa epekto ng bo-shab.

‘‘Kung walang aksyong ginawa ang kaparakan sa tip ni Viray ano ang aksyon naman ang kanyang ginawa bilang Chairman ng Barangay?’’ tanong ng kuwagong adik.

‘‘Obvious ba? Siyempre alaws kaya tumagal ng two years iyong shabu flea market,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Oo nga pala ano? Galing mo talaga!’’

‘‘Syanga pala, mukhang minamalas ang Pasig City ngayong Year of the Fire Dog.’’

‘‘Kasi pagkatapos ng Ultra stampede, shabu flea market, tinakasan naman sila ng 10 preso sa karsel,’’ Sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Bakit kaya?’’

‘‘Kahulan nang kahulan kasi sila at nagkakagatan pa ngayon kamote!’’

BARANGAY MAPAYAPA

DIRECTOR MARCELO ELE JR.

JOHN LENNON

MARKET

MAYOR ENTENG

PASIG CITY

SABI

SHABU

VIRAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with