Dapat na magkaroon ng regular sleep wake cycle araw-araw.
Kapag magising sa hatinggabi, dapat na manatiling nakahiga, nakapikit ang mga mata at huwag sindihan ang ilaw. Sa paraang ito, muli kayong makakatulog.
Iwasang uminom ng alak at kape bago matulog.
Sa mga may insomnia, huwag nang matulog sa tanghali at lalo na bago magtakip-silim dahil mahihirapan na kayong makatulog sa gabi.
Ayon kay Dr. Romy Orteza ng Santa Teresita General Hospital sa Quezon City, mas maraming lalaki ang may gout kaysa sa mga babae. Karamihan ay mga lalaking may edad 30 hanggang 50 anyos.
Namamana ang gout at ang iba namay nagkaka-gout dahil sa sobrang pag-inom ng beer at pagkain ng mga lamang-loob gaya ng isaw, sisig, chicharon bulaklak, balunbalunan, atay at beans. Iwasan din ang pagkain ng tahong, talaba, dinuguan, dilis at bagoong. Ang mga pagkaing ito ay nagpapalala sa gout.