Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa isang bulag (Mark 8:22-26).
Dumating sila sa Betsaida. Dinala kay Jesus ng ilang tao ang isang bulag na hiniling na hipuin ito. Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata saka ipinatong ang kanyang mga kamay. "May naki-kita ka na bang anuman?" tanong niya. Tumingin ang lalaki at ang wika, "Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit silay parang punongkahoy." Muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag; itoy tuminging mabuti. Nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakita ang lahat. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Umuwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan."
Ang mga taong nagdala sa lalaking bulag kay Jesus ay hindi mga bulag. Sila ang tumulong sa lalaki at humiling kay Jesus na mapagaling ito sa kanyang kabulagan. At nang hinipo ni Jesus ang mga mata ng lalaki, itoy nakakita.
Ang mga pisikal na bulag ay tiyak na nangangailangan ng mga manggagamot upang silay matulungang makakita o di kayay mapagaling sa kanilang kabulagan. Datapwat tayong mga espiritwal na bulag ay tiyak na nangangailangan ng tulong ng ibang tao, o di kayay ng mga pangyayari sa ating buhay, upang tunay na makita natin una, ang ating kabulagan; pangalawa, ang uri ng ating pagkabulag; pangatlo, ang mga hakbang o pagkilos na dapat natin upang Makita ang katotohanan ng ating kalagayan sa buhay at sa lipunan.
Kailan maaalis ang ating "kabulagan"? Nasa sa atin na ring pagpupunyagi na makahanap ng kalutasan sa ating kabulagan. Higit sa lahat, kung lalapit tayo kay Jesus at maniniwala sa kanya, mapapagaling niya ang ating kabulagan.