^

PSN Opinyon

Mapagsamantala

SAPOL - Jarius Bondoc -
KAKILA-kilabot na ang ULTRA stampede na pumatay sa 74 at lumumpo sa 300, kakila-kilabot pa ang sumunod. Nakahandusay na ang mga bangkay at nangingisay, pero may ilang libo sa gilid na humihirit pa rin ng tiket para makapasok sa 1st anniversary ng Wowowee. Sinasabing karukhaan ang nag-udyok sa mga manhid na ‘yon. Mali. Hindi ‘yon dahil sa pagka-dukha, kundi sa pagka-ganid.

Huwag na sana bigyan ng iba pang kahulugan ang nangyari. Oo’t karamihan ng mga lola na pumila magdamag sa labas ng ULTRA ay mga dukha na namimili ng pangarap. Pero ang stampede ay naganap dahil sa pinaghalong kapabayaan ng ABS-CBN security kaya nanulak ang mga ganid sa likod – na ikinagiba ng gates.

Huwag insultuhin ang mga mahihirap. Ilang rally, misa at concert na ang ginanap ng mahihirap sa ULTRA; hindi naman nagka-stampede dahil wala o kontrolado ang mga ganid. Sa Europe nag-i-stampede din ang mayayamang soccer fans sa stadiums, at kagagawan ito ng mga hooligans.

Pagsasamantala ang pagbintang ng stampede sa mahihirap. Ginamit ito ng Oposisyon para banatan ang umano’y kawalan ng trabaho sa ilalim ng Administrasyon. Pagtatakip lang ito sa katotohanang matagal nang naghihirap ang bayan sa ilalim ng mga pulitiko. Nasa Oposisyon man o sa Administrasyon, lahat sila’y buhat sa mga makapangyarihang pamilyang naghahari sa kani-kanilang probinsiya noon pa mang panahon ng Kastila.

Pagsasamantala rin ang pagmimisa nina Cory Aquino at Senate President Franklin Drilon kasama sina Joseph Estrada at kapartido nito. Anila, pagdadasal lang kuno para sa mabilis na paggaling ng operadong mata ni Erap, at para sa mga nasawi sa stampede. Kung ganu’n, kailangan pa ba sila magsama, miski magkalaban sila nu’ng EDSA-Dos? Ninais lang nila ipaabot ang mensahe na nagkakaisa na sila laban kay Gloria Arroyo. Ginamit pa ang stampede bilang palusot.

Harapin natin ang katotohanan. May mga ganid sa hanay natin. Sila ang sumasamantala sa kapabayaan ng ABS-CBN at sa kahinaan ng mga lola nang magrambulan para sa entry tickets. Malamang hindi na sila makilala bilang mga salarin. Pero huwag na natin silang paramihin.

ADMINISTRASYON

CORY AQUINO

GINAMIT

GLORIA ARROYO

HUWAG

JOSEPH ESTRADA

NASA OPOSISYON

PAGSASAMANTALA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with