Mga walang puso sa panahon ng Valentines
February 12, 2006 | 12:00am
Dumating umalis ang mga trahedya
Na nagpapalubha sa maraming dusa;
Tulad ng nangyari pagpunta sa ULTRA
Maraming nasaktan at namatay pa nga!
Sa dami ng taong doon ay dumating
Naturang trahedya di kayang pigilin
Matanda at bata dooy nagupiling
Nang ang mga taoy nagmistulang lasing!
Sa pag-uunahang pumasok ng ULTRA
Nawalang hinahon ang batat matanda;
May mga naipit ang ibay nasipa
Maraming namatay napisak sa lupa!
Mga mamamayang dooy nagtitipon
Sarili na lamang ang inisip noon;
Ang mga katabiy hindi pinaurong
At kahit higa nay walang nagbabangon!
Sa hangad makuha yaong kagustuhan
Kahit makasakit walang pakialam;
Ang ugaling ito nitong sambayanan
Ang siyang nagdulot ng kapahamakan!
Taong malalakas at ugaling tuso
Tuloy sa pagtulak, tuloy sa pagtakbo;
Ang mga matandat may mura pang buto
Nabulid sa lupa na basag ang bungo!
Dapat ang naghari ay pagmamahalan
Saka malasakit sa kapwat kabayan;
Kung hindi ganitoy maraming lilisan
Sapagkat berdugoy itong sambayanan!
Ang hindi maganda sa nangyaring ito
Nasabing trahedya ay ngayong Pebrero;
At ang Valentines Day nalimot ng tao
Sapagkat maraming nawalan ng puso!
Na nagpapalubha sa maraming dusa;
Tulad ng nangyari pagpunta sa ULTRA
Maraming nasaktan at namatay pa nga!
Sa dami ng taong doon ay dumating
Naturang trahedya di kayang pigilin
Matanda at bata dooy nagupiling
Nang ang mga taoy nagmistulang lasing!
Sa pag-uunahang pumasok ng ULTRA
Nawalang hinahon ang batat matanda;
May mga naipit ang ibay nasipa
Maraming namatay napisak sa lupa!
Mga mamamayang dooy nagtitipon
Sarili na lamang ang inisip noon;
Ang mga katabiy hindi pinaurong
At kahit higa nay walang nagbabangon!
Sa hangad makuha yaong kagustuhan
Kahit makasakit walang pakialam;
Ang ugaling ito nitong sambayanan
Ang siyang nagdulot ng kapahamakan!
Taong malalakas at ugaling tuso
Tuloy sa pagtulak, tuloy sa pagtakbo;
Ang mga matandat may mura pang buto
Nabulid sa lupa na basag ang bungo!
Dapat ang naghari ay pagmamahalan
Saka malasakit sa kapwat kabayan;
Kung hindi ganitoy maraming lilisan
Sapagkat berdugoy itong sambayanan!
Ang hindi maganda sa nangyaring ito
Nasabing trahedya ay ngayong Pebrero;
At ang Valentines Day nalimot ng tao
Sapagkat maraming nawalan ng puso!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended