^

PSN Opinyon

Pebrero: Heart Month

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG Pebrero ay tinaguriang Heart Month. Sa Pebrero 14, ay gugunitain ang Valentines Day na hindi lang para sa mga magkasintahan at mag-asawa kundi maging sa mga kapamilya at mga taong itinuturing na mga mahal sa buhay.

Kasabihan na ‘‘love makes the world go round and love is many splendered thing’’ at ayon pa sa bayaning si Francisco Balagtas sadyang ‘‘ang pag-ibig ay makapangyarihan at sampung mag-aama ay nasasaklaw at kapag pumasok sa puso ninuman ay hahamakin ang lahat masunod ka lamang.’’

Iba’t iba ang kasaysayan ng pag-ibig. May mga mapalad na nakapag-asawa at namuhay ng maligaya, may mga ipinaglaban ang pag-ibig at gaya nila Romeo at Juliet ay may mga nagpakamatay nang dahil sa pag-ibig. Sadyang makapangyarihan ang tawag ng pag-ibig. Sa darating na Araw ng mga Puso marami ang mga magba-Valentines Day sa mga motel.

Payo ko sa mga kadalagahan bago ipagkaloob ang inyong natatanging hiyas, siguraduhin na tapat at tunay na nagmamahal at handang magpakasal ang lalaking sinasamba hindi kagaya ng nangyayari na dahil sa silakbo ng damdamin ay nauso na ang pre-marital sex na nauuwi sa unwanted pregrancy at dahil sa takot at kahihiyan ng mga dalagang ina kaya nagpasya na mag-abortion. Pakaisipin na sa panandaliang-aliw ay libong dusa ang kapalit at walang pagsisisi na nauuna.

ARAW

FRANCISCO BALAGTAS

HEART MONTH

KASABIHAN

PAKAISIPIN

PAYO

PEBRERO

SA PEBRERO

VALENTINES DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with