^

PSN Opinyon

Si Querol at ang kapulisan ang may kasalanan!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
PATULOY akong nakakakuha ng balita tungkol sa Monkey Queen at ang kanyang patuloy na pang-aapi sa mga butihin, masipag at magagandang mga taong kanyang sapilitang sinasakop.

Nitong huli ay pinagbawal niya na magsalita ang lahat ng kanyang opisyal sa pamamagitan ng pagpapalawig ng extraordinary order 02-02-02 dahil baka naman madulas at lalong mabuking ang walang humpay nilang pagnanakaw kasama ng kanyang mga kaalyado, kakampi, kapartido, kapuwa unggoy, kapuwa hayop (meron kasi siyang mga kasamang mga ahas, buwaya, buwitre, linta at iba pang kaHayupan), kamag-anak, kapuso, kapamilya, kasosyo, kasabwat, sipsip, tuta at kung anu-ano pa.

Nag-uumapaw na kasi ang galit ng sangkatauhan sa kanyang nasasakupan at pati mga kapwa TAO sa ibang lugar ay nababalitaan na ang kalupitan ng Monkey Queen kaya nagkakaroon na ng karagdagang pressure gaya ng patuloy ng pagbagsak ng ratings ng kanyang ekonomiyang umuunlad daw pero dumarami ang walang trabaho.

Lumalaki tuloy ang suliraning hinaharap niya at talagang mabuway ang hawak niya sa kanyang trono kaya lahat ng paraan ay kanyang sinusubukan pati nga ang pagpapalit ng ilan niyang mga tauhan pati ang pagkuha niya sa kanyang bagong boylet na oks naman sa kanyang esposong big big bad gorilla dahil ang katotohanan naman ay ang tanging partnership nila ay sa CRIME na lamang. In short PARTNERS IN CRIME!!!

Anyway, sa tindi ng hinaharap nila ay nakakita na naman ng bagong solusyon ang boylet at ito ay ang paggamit ng isang tatak ng shampoo na tunay palang mabisa dahil talagang KAKAPAL kung saan mang gamitin ito.

Katunayan sa advertisement nito ay nasasabihan ang lahat ng gumagamit nito ng KAPAL!!! Kaso mga kaibigan, hindi ho biro ito, totoong ginagawa nila ito dahil parang bullet proof ito sa kanila at simple pa, sa MUKHA ho ito ginagamit ni Ate Gorilya. Opo sa MUKHA po kaya KUMAKAPAL!!!
* * *
Eksaktong isang linggo ngayon mula nang maganap ang trahedya sa ULTRA kung saan mahigit 70 kababayan natin ang namatay at daan-daan naman ang nasugatan pero patuloy pa rin ang sisihan at turuan.

May mga opisyal si Madam Senyora Donya Gloria na ang panawagan ay karapat-dapat daw mag-resign ang mga opisyal ng ABS — CBN dahil sa trahedyang nangyari.

Heller!!! Bakit ang inyong mahal na si Madam Senyora Donya Gloria hindi nagbitiw kahit na umamin at nag-sorry. Konting ingat ho sa pananalita dahil bumabalik ho yan sa inyo.

Katotohanan, kung sa Japan iyan tiyak, sibak ang Chief of Police. Sa pagkakataong ito, si NCRPO Gen. Vidal Querol na kung umasta at mag-ikot kung saan may media ay daig pa ang PNP Chief na si Gen. Art Lomibao.

Malinaw naman kung nasa kanino ang malaking pagkukulang. Ang ULTRA ho ay nasa tapat lang halos ng headquarters ng Eastern Police District, puwede ngang lakarin pero kahit na ilang ulit nagkaroon ng koordinasyon ang ABS—CBN sa mga bata ni Querol ay nanood lang sila at kumilos lang at hindi pa agad-agad nang maganap ang trahedya.

Kung rallyista o kalaban ni Madam Senyora Donya Gloria kaya yan, kahit malayo sa mga police station gaya ng Liwasang Bonifacio, Welcome Rotonda, Mendiola at kahit sa Recto o labas ng eskwelahan lamang o kahit sa San Miguel Church sa Malacañang upang magsimba ha, tiyak nandun agad ang kapulisan at pinagpapalo at pinagtatabuyan ang mga nagpoprotesta.

Simple lang yan, sa ULTRA komo hindi protest rally yan ay hindi mo pinansin Gen. Querol. Balewala dahil walang media coverage at walang sipsip o pogi points sa Malacañang na silang magdedesisyon kung mananatili ka sa NCRPO. Sabagay kung malaki ang pogi points baka magkaroon ka ng extension kahit dapat ka nang mag-retire.
* * *
Para sa telepono bilang 09172005810 na nagpadala ng panibagong death threat, dati na ho akong takot lalo na kung ang kabangga ay yang amo mo. Pakiusap lang, huwag kang magpanggap na NPA na kesyo People’s Court kayo. Katotohanan niyan, kung makikilala ka nila, ikaw malamang ang malalapatan ng parusa.

Muli, sa mga galamay na patuloy nananakot, dati na ho akong takot pero sa hindi n’yo kayang supilin ang katotohanan. Hindi kayang pagtakpan ang kasamaan at sa huli ang KABUTIHAN pa rin ang laging mananaig.

Ako ho ay laging maninindigan para sa KATOTOHANAN. All it takes is for a Good Person to do nothing for Evil to triumph.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

ART LOMIBAO

ATE GORILYA

CHIEF OF POLICE

DAHIL

KANYANG

KUNG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MONKEY QUEEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with