EDITORYAL - Leksiyon sa mga sasali sa game shows
February 9, 2006 | 12:00am
KAHIT na marami ang namatay sa ULTRA noong Sabado dahil sa stampede, tiyak na marami pa rin ang hindi susuko sa pagsali sa mga game shows sa telebisyon, katulad ng Wowowee. Hindi mapipigilan ang mga tao lalo pa nga at marami ang naghahangad na magkaroon ng pera. Marami ang naghihikahos at walang trabaho. Kalabisan nang sabihin na marami ang kumakapit sa patalim.
Wala ngang makapipigil sa mga tao para sumali sa mga game shows. Magpupumilit silang sumali kahit na may malagim ang nangyari. Hindi iyon magiging hadlang sa kanila. Siguroy mapipigilan lamang sila kung mayroon nang sapat na pinagkakakitaan at sagana ang kanilang hapag sa pagkain. May sasali lamang siguro sa mga game shows pero iyon ay para na lamang maglibang at hindi para kumita kagaya ng mga hangad ng pumila sa ULTRA.
Ang trahedya ay nangyari na. Kahit na paulit-ulitin pa ang pagpapalabas ng mga nakuhang video, hindi na maibabalik ang buhay na nawala. Hanggang doon na lamang ang lahat. Hindi na rin angkop ang pagtuturuan sa panahong ito na maaaring sakyan lamang ng iba para lalo lamang gumulo ang sitwasyon.
Sabi ng Task Force ULTRA, nagkulang ang ABS-CBN kaya nangyari ang trahedya. Tintratong parang hayop ang mga taong pumila na animoy hinagisan ng kapirasong karne. Pinagtakam o pinatakaw, marahil ang ibig sabihin ng task force na nag-imbestiga sa trahedya. Sabi naman ng ABS-CBN inaako nila ang responsibilidad sa nangyari. Hindi naman nila matanggap ang pahayag ng task force na tinrato nilang hayop ang mga taong pumila. Nag-sorry naman agad ang task force sa kanilang ipinahayag. Natangay lamang daw sila ng damdamin.
Nangyari na ang lahat at hindi na maibabalik ang 74 na buhay. Ang dapat pagsikapan ngayon ng mga mag-oorganisa ng mga game shows ay paalalahanan ang mga sasali na huwag magtulakan o magbalyahan. Ipaunawa ang pagkakaroon ng disiplina at pairalin ang pagkahinahon. Ipaunawa na ang buhay ang laging mahalaga sa lahat at hindi ang matatanggap na premyo.
Hindi mapipigilan ang mga sasali sa mga game shows sapagkat marami ang naghihikahos at nagbabakasali. Huwag silang pigilan pero ipaunawa ang kaligtasan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest