Napag-alaman na mas maraming babae kaysa lalaki ang may kanser sa baga. Marami nang kababaihan ang naninigarilyo ngayon. Para maiwasan ang kanser sa baga, ipinapayo ng mga manggagamot na dapat na iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Dapat ding kumain ng balance diet at mag-exercise nang regular.
Napag-alaman na ang mga may chronic arthritis na laging umiinom ng mataas na doses ng non-steroidal anti-inflammatory drugs ay hindi kaagad magkaka-Alzheimers disease. Sa isang pag-aaral, sinabi na ang hormone replacement therapy ng mga post-menopausal na babae ay makapagpapabalam din para kapitan ng Alzheimers. Napag-alaman din ang kahalagahan ng mga anti-oxidant vitamins gaya ng mga Vitamins C and E ay makakatulong din para huwag magkaroon ng Alzheimers.